Chapter 10 - Commercial Shoot

0 0 0
                                    

Seth's Point of View

Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang nakatingin sa portfolio ni Zelina. Sobrang simple niya pero napakaganda niya at mukha siyang anghel sa tamis ng mga ngiti niya.

Hindi ako makapaniwala na sa pangit na impression niya sa akin ay naging maayos parin ang trato niya at nararamdaman ko na may pag-asa ako para magustuhan din niya ako at hindi ko sasayangin yun.

Time check 1:30AM.

Siguro ay pauwi na yun. Wala naman talaga akong ginawa dito sa opisina kundi tignan ang portfolio niya habang nagpapalipas ng oras. Naglakad na ako papuntang elevator ng mapansin kong andun pa si Maan nakaub-ob sa desk niya. Tumikhim ako at gulat siyang nagising.

"You should have gone home after your shift is done."

"Sir, I thought I should stay because you are still in your office. It has been my rotation since then. It should be the boss who should leave first." sagot nito habang nasa baba ang tingin.

"Sorry about that. I am just passing time here. Next time, you can go home after your work for the day is done. Okay?" nagtaas siya ng tingin sakin kaya nginitian ko siya ng bahagya at alanganin siyang ngumiti at tumango.

"I'll go ahead first, Maan." paalam ko at hindi na hinintay ang sagot niya. Dumiretso na ako sa elevator. Bago magsara ang elevator ay nakita kong nagmamadaling mag-ayos ng desk si Maan at mukhang matagal na iyong nakatulog doon.

Nang makarating sa parking lot ay agad akong sumakay sa sasakyan ko at mabilis itong hinarurot hanggang makarating sa bahay nila Zelina. Nagtext agad ako pagkapark ko sa harap ng bahay nila.

I'm here. It's Leighton Seth by the way.

Time check: 2:15. Nasa loob lang ako ng sasakyan ko habang hinihintay si Zelina ng may tumigil na taxi sa harap ng bahay nila

"How dare you hold my woman in your arms. Give her to me!" maawtoridad kong utas sa kaniya at nakaalalay na ang kamay kong sasalo kay Zelina.

"Buksan mo na lang yang gate." utos niya sa akin at tinignan ko lang siya ng masama na sinasabing ibigay niya na sakin si Zeline ngunit mukhang hindi nito nakuha at nilagpasan lang ako. Nagtiim ang bagang kong sinundan siya ng tingin.

"Manong Allan, pabukas po ng gate." malakas na utos nito dun sa gate at bigla itong bumukas. Dali dali naman akong lumapit sa gate.

"Ano pong nangyari kay Mam, Sir Lhor?" sa tingin ko ay kilalang kilala na dito yang lalaking yan. Mukhang naiisahan na ako ng isang to.

"Nasobrahan po sa alak kaya nalasing." sagot nito. Binukas ng mas malaki ang gate kaya naman dumiretso na ito at pumasok habang bitbit pa rin si Zelina. Nakakainit na talaga ng ulo itong lalaking to sa hindi niya pag-abot sakin kay Zelina at pag hindi pagpansin sa akin. Namumuro na itong lalaking ito sa akin.

Dumire-diretso siya sa taas ng bahay habang bitbit pa rin si Zelina hanggang sa tumigil sa isa sa mga kwarto doon at binuksan ito ng isang babaeng sumunod din sa amin. Dahan-dahang ibinaba nung lalaking yun sa kama niya at magkasunod na hinubad nito ang sapatos ni Zelina. Hindi ako makakino dahil sa bigla siguro na mukhang kilalang kilala na siya ng mga tao dito samantalang ako ang fiance niya at walang nakakakilala sa akin.

"Andy, ikaw na bahala kay Zelle. Nalasing lang yan dahil sa dami ng ininom." baling nito dun sa babaeng sumunod sa amin.

The Casanova's True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon