Zelina's Point of View
Ilang araw matapos kong magising ay hindi naging madali para sa akin dahil nahihirapan akong igalaw ang katawan ko. May nakalagay pang support sa leeg ko na mas nakapagdagdag hirap sa akin.
Ilang araw ko na ring napapansin yung bagong mukhang laging kasama ni Daddy na lalaki. Parati niya akong tinitignan at hindi ko na lang pinapansin tuwing ngingiti ito sa akin. Mukha naman siyang mabait may pagkakahawig din sila ni Daddy kaya napapaisip ako na baka relative namin kaya naman sinasawalang bahala ko na lang ito.
"Love, kamusta ka na?" Nakangiting tanong nito sa akin. Nakahawak lang siya sa kamay ko at nakaupo sa silya sa tabi ng kama ko.
"Nahihirapan pa din. Kailan kaya nila aalisin tong nasa leeg ko." Inis kong singhal at napatawa naman siya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"You're so impatient. I'll ask your doctor later." Tinanguan ko lang siya at parang biglang sumama ang ihip ng hangin ng mahagip ng mata ko yung lalaking nasa dulo ng kama ko.
"What are you doing here? Kailangan ko pa bang mamatay para lang tigilan mo ko Zach?!" Napaaray ako sa pagkakasigaw sa kaniya. Humigpit ang hawak ni Leigh sa kamay ko at ramdam ko ang galit sa kaniya kaya pinisil ko din ito.
"I'm just paying a visit to my fiance." Nakangising usal niya at tinignan pa si Leigh. Sinamaan ko siya ng tingin at pilit ibinaling kay Leigh ang paningin ko kahit nahihirapan ako sa nakalagay sa leeg ko.
"Zach, pare, let her recover for a while. Hindi pa siya komportable sa pagiging fiance mo. Saka mo na siya kausapin. Tara na." Pasiring ako napatingin sa paanan kong andun yung laging kasama ni Daddy na niyaya itong Zach na ito.
"Marky, dapat yang lalaking yan ang pinapaalis mo at hindi ako." Inis na inagaw ni Zach ang braso kay Marky, yung kasa kasama ni Dad.
"I need Leigh and I don't need you. Get out!" Mas lalo akong napaaraw sa muli g pagsigaw na ginawa. Nag-aalala namang tinignan ako ni Leigh na walang magawa sa tabi ko.
"If that's what you want, MY lady pero this will not be the last time. Babalik ako pag maayos ka na. Can I give you a kiss before I leave?" Nang-aasar pa nitong dagdag. Magsasalita na sana ako ng biglang tumawa si Leigh. Pinisil ko ang kamay niya at tinanguan ng bahagya para iparating na wag ng patulan pa ito bago ako muling humarap kay Zach na nakangisi pa rin.
"Wala kang karapatan. Isa pa, ayaw kong magpahalik sa HUDAS! GET OUT! MARKY, CALL THE SECURITY PAG HINDI PA YAN LUMABAS!" Tiniis ko yung sakit na naramdaman ko sa may bandang leeg ko sa sobrang sigaw ko. Wala na itong nagawa ng hilahin na siya ni Marky palabas.
"Ang sakit, Leigh." Dahan dahan akong napahawak sa leeg ko matapos yun. Tatawagin na sana niya ang doctor pero pinigilan ko ito.
"Gusto ko ng magpahinga. Napagod ata ako." Tinanguan niya lang ako at nanatili lang siya sa tabi ko. Kinantahan niya pa ako hanggang sa tuluyan akong makatulog.
"Mapapatay ko talaga yung hayop na yun!"
"Seth, lower your voice baka magising si Zelina."
"Nagsalita na yung mga suspects pero hindi daw si Zach ang nag-utos kundi yung secretary niya."
"Secretary niya lang yun. Malamang sumusunod lang yun sa utos ni Anderson, Marky."
"Ganun na nga. Sa ngayon ay nasa custody na ng mga pulis yung secretary. Hindi ko masabi kung tanga ba yung secretary niya dahil sinabi niya sa mga pulis na wala itong kinalaman samantalang andun sa conversations sa cellphone niya lahat ng mga utos ni Zach. Wala pa kong balita kung dinampot na ba nila si Zach. Yan lang yung sinabi sakin ng mga pulis kanina."
BINABASA MO ANG
The Casanova's True Love
RomanceHe's a heartbreaker and no one dares say no to him until one day he meet a feisty girl and he fell in love at first sight. Will that girl be the Casanova's True Love?