Dumating na ang araw ng contract signing. Tulad ng napagkasunduan ay hindi ito kumalat sa media hanggang sa dumaan ang araw na ito. Ganun na lang ang gulat ko ng andaming journalists at mga reporters ang andito sa araw na ito.
"Welcome to H Entertainment, New Born Tags.!" maligayang inilahad ang kamay ng President ng H Entertainmemt ang kaniyang kamay sa akin na tinanggap ko at nakipagkamay din ang mga kasama ko.
Inabutan naman kami ng tig-iisang bouquet ng flowers at nagpicture taking din.
Nang gabing iyon ay nagkaroon naman ng maliiit na celebration sa H Entertainment at andun din halos ang mga sikat at mga kilalang artista na nakipagkilala din sa akin.
Hindi ko inaasahan na ang bagong CEO ng H Entertainment ay dumating at laking gulat ko ng ipakilala siya sa mga andun.
Matamis ang ngiti niyang nagpasalamat sa lahat. Tama kayo ng iniisip, si Leighton ang bagong CEO ng H Entertainment. Hindi rin nawala ang tuksuhan doon ng abutan ako ng bulaklak nito. Nahihiya din akong tinanggap iyon bukod sa namumuong pagkagusto sa kaniya ay gusto ko rin siyang makita ngayon dahil mula ng gabing iyon ay ngayon na lamang uli kami nagkita.
"Miss me?" biro nito sa akin na nilakihan ko ng mata.
"Kapal ng mukha mo." nakanguso kong tugon dito at sinamaan siya ng tingin.
"Don't pout. It is making me want to claim your lips again." nakangisi nitong pahayag at napaseryoso naman ako ng tayo.
"You look beautiful." bulong nito sa akin at nagtayuan ang balahibo ko sa sinabi niya.
"You're speechless. Kumain ka na ba?" tanong nito sa akin na bahagyang ngumiti.
"Oo. Kumain kami ng grupo ko pagkatapos ng contract signing." Sagot ko sa kaniya. Ewan ko ba bakit busog pa rin ako hanggang ngayon eh kanina pang tanghali yun.
"I see. Hindi ka ba nagugutom ulit?" tanong nito. Ayaw na naman siya na parang nagsasagot ng slam book. Pabay tanong.
"Hindi naman. Pagod ang nararamdaman ko ngayon kanina pa rin ako hindi natigil sa pakikipag usap sa mga nakikipagkamay at nakikipagkilala sa akin dito." sagot ko sa kaniya. Nagpatiuna akong maglakad hanggang sa makauopo sa isang upuan. Sumunod naman siya at siya pa ang naghila nung upuan na inuupuan ko ngayon.
"Hmm. Ganun ba? Gusto mo na bang umuwi para makapagpahinga ka?" nag-aalala niya namang tanong sa akin na inilingan ko naman. May plano kasi kami nila Momshie eh kaya kahit gustuhin kong umuwi ay hindi pwede.
"It's okay. Hinihintay ko lang din kasing magyaya ng umalis yung mga kasama ko dahil may pupuntahan kami." sagot ko dito tsaka ko tinanaw yung mga kasama ko na busy din ang pakikipag-usap sa ibamg mga naroon.
"San naman yun?" tanong niyang muli kaya naman napatingin uli ako sa kaniya. May dumaang server na may dalang mga wine kaya naman kumuha kami ng tig-isa.
"Sa Xylo lang. Gusto nilang magcelebrate eh." sagot ko sa kaniya. Sandali oang pinag-umpog ang mga kupita namin at tinungga yun.
"The same club kung saan tayo unang nagkita?" tanong uli niya. Ayaw niya talagang may nasasayang na oras kaya naman ay hindi nauubos ang tanong niya.

BINABASA MO ANG
The Casanova's True Love
RomantizmHe's a heartbreaker and no one dares say no to him until one day he meet a feisty girl and he fell in love at first sight. Will that girl be the Casanova's True Love?