Chapter 11 - Date

0 0 0
                                    

"This isn't about work. It's a date, my love." nakangiti niya itong sinabi habang inaabot sa akin ang puting rosas na hawak niya na malawak ang ngiti ko ring pagtanggap ng bulaklak.

"I'm surprised. Thank you, Leigh." nginitian ko uli siya ng napakatamis at siya naman ay inilahad ang kamay sa akin.

"That was part of the plan. Did you like it?" tanong niya sa akin tsaka ko tinanggap ang kaniyang kamay bago magsalita.

"Like? No, I love it. Really!" masaya kong sagot sa kaniya na ikinatuwa naman niya.

"Glad to hear that you love it." hinalikan niya ang likod ng aking kamay tsaka kami tuluyang makapasok sa loob.

Nang makapasok kami ay halatang inayos ang buong lugar dahil iisang table at dalawang upuan na magkatap lamang ang andun at punong puno ng petals ng rosas sa palibot ng venue.

Inalalayan niya akong maupo at ipinagsalin ako ng wine sa kupita at iabot ito sa akin bago siya maupo. Nakakahanga lang ang ikinikilos ng isang casanova na nasa harap ko ngayon I bet this is what all of his girls wants.

"You're so beautiful. I still can't believe that you gave me a chance to court you." naramdaman ko din ang hindi maipaliwanag sa puso kong ligaya.

"You still got a long way to finally get my whole heart." Napangiti siya at tingin ko ay nakuha niya ang ibig kong sabihing may parte na sa puso kong nakuha niya na kahit hindi pa buong buo.

"I can't wait." Nginitiin niya lang ako at pumailanlang ang tunog ng grand piano na naroon kasabay ng ilang tumutugtog ng violin. Hindi ko alam kung paano silang napunta doon o siguro lang ay tutok na tutok ako sa lalaking kasama ko.

Tumayo siya at lumapit sa akin at ilahad ang kamay bago magsalita. "Can I have this dance, my love?"

Tinanggap ko ang kamay niya at inalalayan akong tumayo at ipinatong niya ang magkabila kong kamay sa batok niya at ipulupot ang parehong kamay sa bewang ko.

"My love?" malambing na pagtawag niya sa akin.

"Hmm" Inihilig ko lang ang ulo ko sa dibdib niya at ninamnam ang bawat sandali.

"Hindi ko pinagsisihang maging laman ka sa showbiz issues dahil kung hindi nangyari yun ay hindi kita mahahanap." Tuloy tuloy niyang ani. Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Not for me. I think magkaroon man ng issue o wala, we will still meet dahil sa mga magulang natin." Paliwanag ko sa kaniya at muling mapangiti ng balikan ko ang unang encounter namin.

"I think you're right pero I bet  na baka hindi ako pumayag sa arranged marriage na ito dahil hindi ko ipagpipilitan ang sarili sayo dahil baka hindi kita magustohan at hindi mabubuo yung inis mo sa akin if hindi nangyare yung sa bar." Natawa ako sa parteng dulo ng sinabi niya. Mangyare man o hindi yun naiinis na ako sa mga katulad niya.

"Hindi magustuhan? Diba nga unang kita mo palang sakin ay patay na patay ka na sinundan mo pa nga ako. What's the difference kung sa announcement ng engagement natin tayo unang nagkita?" Nang-aasar ang tonong tanong ko sa kaniya. Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin kaya napalo ko ang kaniyang dibdib.

"May difference pa rin dahil iba yung dating mo nung gabing yun. You captivated my lonely heart." Pagtatama niya sa akin.

"If you say so. Pero the latter part you said earlier na hindi mabubuo inis ko sayo, you're wrong dahil kilalang kilala ka ng lahat ng madalas sa bar na yun dahil sa isa kang casanova, the heartbreaker of all woman. Well, I kind of know you and inis na ako sayo nun kaya nga kinuha ko na ang lahat ng lakas ko para makalayo sayo that night." Napabuntong hininga siya sa sinabi ko kaya natawa uli ako sa maaaring isipin niya.

The Casanova's True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon