Kinabukasan
Hindi na ako nakapag-almusal pa dahil nagmamadali akong makarating sa company dahil 9AM ang meeting with the designers I've got from Paris at 7:30 AM akong nagising.
"Andy, bilisan mo at 8:30 AM na. Mahalaga ang meeting ko ng 9AM." utos ko sa bodyguard ko na binilisan pa ang pagpapatakbo ng sasakyan. Tinawagan ko saglit ang secretary ko at pinaready ko ang board room at mga pagkain para sa mga designers na naroon.
Sa loob na lamang ako ng sasakyan nag-makeup para naman presentable ako sa mga designers na iyon. Mahahalaga silang tao at hindi sila basta basta kaya I respect their time and effort na pumunta pa dito personally.
"Here's your coat and stiletto, Zelle." Inabot sakin ni Andy ang aking coat at stiletto na nasa passenger seat. Inabot ko iyon at agad na isinuot. Tinignan ko pang muli ang aking sarili sa aking salamin at nakahinga ng maluwag.
'DONE!'
Sa wakas at nakarating na rin ako sa company at nagmamadali na pumasok. Nag-aabang na lamang ako ng elevator na available at tinignan muli ang oras sa aking relos at nagulat na 8:55AM na. 'I only have 5 minutes left'. Nang bumukas ang isang employee's elevator at napansin kong ang executive elevator ay nasa 16th floor pa ay pumasok na lamang ako dun sa employee's elevator.
"Use the next available elevator. I'm in a hurry. Thank you!" natatarantang usal ko dun sa mga nakapilang empleyado naming at inutusan ung clerk na dalhin ako sa 25th floor at dali-dali niya itong sinunod.
Bumukas ang elevator sa 8th floor. "I'm really in a hurry, use the next one." Utos ko sa mga empleyadong naghihintay sa floor na iyon at pinagmadali ko ang clerk na andun sa loob ng elevator.
Sa wakas at nakarating na rin ako sa 16th floor. Time check, 8:58. 'Damn'. Tumakbo na agad ako at ng makarating sa pintuan ng board room ay inayos ko saglit ang aking sarili bago tuluyang pumasok. Pagdating ko ay saktong 9AM na.
"I am really sorry if I am a few seconds late." Pagpapaumanhin ko sa mga designers na andun sa loob.
"No it's okay, you're just in time." Nakangiting sagot ng isang makisig na lalaki sa bandang kanan ngunit ang pagiging matikas niya ay trinaydor naman ito ng kaniyang boses.
"Thank you!" pagpapasalamat ko at nginitian ko silang lahat na andoon.
"I want to formally introduce myself, I'm Zelina Sophiazelle Montecarlos, President of Clothing and Advertising Department of Montecarlos Group of Companies. Please introduce yourselves, designers." Pagpapakilala ko sa kanila at naupo. Ikinumpas ko ang aking kamay upang iparating na sila naman ang dapat na magpakilala.
"My name is Zeline Hontiveros, the President and CEO of ZM Magic." Pagpapakilala niya at bahagya siyang tumango sa akin at itinuro naman niya ang kaniyang katabi "This is Shanna Jane Santos, the one who will be the team manager and the person in charge for this project." Ngumiti namana ito sa akin. Sunod na itinuro niya ay yung katabi ni Shanna.
"And here are the rest of my designers in her team, Rain Saavedra, Sharon Marcos, Mark Joseph Fortaleza" tinuro niya isa-isa ang mga nandoon at huling itinuro yung lalaking unang umimik sa kanilang lahat kanina "And Ricky Anton Miller but she prefers to be called Sugar." Natatawa niyang tinapos ang pagpapakilala sa mga kasama niya.
"It's all nice to finally meet all of you." Masaya kong usal at ngumiti rin silang sabay-sabay sa akin.
"I want to express my gratitude for having us here, Zelle" nakangiti nitong usal pero nagtaka ako sa kaniyang pagtawag sakin dahil alam niya ang palayaw na tinatawag sa akin ng mga kaibigan ko lamang. Mamaya ko na siya kakausapin na sarilinan.

BINABASA MO ANG
The Casanova's True Love
RomanceHe's a heartbreaker and no one dares say no to him until one day he meet a feisty girl and he fell in love at first sight. Will that girl be the Casanova's True Love?