Ilang araw ang dumaan na sobrang busy ako pati na rin si Momshie sa pag-aayos ng concert ng New Born Tags. Sinadya ko talagang pagpahingahin ang mga members ng grupo para makabawi ng lakas para sa pagdating ng araw ng dance concert namin ay yung the best ang maibigay nila.
Kagabi ay nagbawi ako ng lakas para sa araw na ito. Ngayon na ang dance concert namin kaya naman ang backup dancers ng LIC na Marvels at ang buong New Born Tags ay maaga sa venue dahil mula umaga hanggang tanghali ay magrerehearse kami para sa mga susunod na oras ay pag-aayos at onting pahinga na lamang ang gagawin namin.
Buti na lang ay nasa maayos na estado ang aming mga pag-iisip at lakas kaya naman bago pa lamang magtanghali ay kontento na ako sa ganda ng aming magiging performance.
Sa loob ng arena ay nagpapasalamat akong may shower area sa dressing room namin kaya naman ay preskong presko kami bago ayusan ng makeup artist namin.
Pinauna ko na ang ilang maayusan kaya naman ay iniidlip ko na lang saglit. Ginising naman ako ni Momshie ng ako na ang aayusan. Lumabas naman ito para silipin ang laman ng arena.
"Nakapasok na ang ilang audience natin pero napakahaba pa rin ng pila sa labas." pagkwekwento ni Momshie pagkapasok. Nginitian ko lang siya kasi inaayusan pa rin ako hanggang ngayong pagbalik niya.
"Galingan nyo mga anak! Last niyo na ito sa LIC." tinignan ko siya ng masama kaya naman napahawak siya sa bibig at nag peace sign. Yung mga makeup artist na dinala namin ay mga makeup artist ng LIC baka madulas pa itong mga ito bago dumating ang araw ng contract signing sa H Entertainment.
"Magbihis na rin kayo pagkapasok ng lahat ng fans niyo ay magsisimula na tayo." utos nito sa mga nakatambay na lang at sumunod naman agad ang mga ito sa kaniya.
"Momshie, pakicheck ang Marvels kung lahat sila ay naayusan na sa kabilang dressing room." tinanguan niya lang ako at lumabas. Bali 8 makeup artist ang kinuha ko sa LIC. 5 ang inassign kong makeup artist sa Marvels dahil marami silang masiyado samantalang 3 naman ang amin.
"4 pa sa kanila ang hindi pa naayusan, Sophia!" nagulat ako sa sigaw niya pagkapasok ng dressing room. Naghihisterya na naman.
"Ako na lang naman ang inaayusan dito. Max and Charm, pakitulungan naman yung mga kasama niyong ayusan yung ibang Marvels na hindi pa naaayusan." utos ko dun sa dalawa na agad ding lumabas kasama si Momshie. Nang matapos akong ayusan ay pinasunod ko na dun si Aya yung nag-ayos sa akin para tulungang ayusan ang ilang Marvels.
"Pansin nyo laging taranta yung si Manager?" biglang usal ni Miranda na tinitigan naming sabay sabay ni Mel at Cara. Si Lhor ayun tulog sa isang couch.
'Napakaantukin talaga.'
"What?" nakangusong nagbaba ng tingin "Napansin ko lang eh" nagkatinginan kaming tatlo at tinawanan siya. Mas humaba pa ang nguso niya sa ginawa naming pagtawa.
"Really Miranda? Ilang taon na natin siyang Manager pero bakit parang bago pa sa iyo ang ugaling yun ng baklita nating Manager?" may pagkasarkastikong tugon ni Cara dito. May ganiyan talagang ugali si Miranda na napapansin lang ang isang bagay pagkatapos ng lahat na mapansin ito. Si Cara naman ay napakasarcastic sa lahat ng bagay kaya lagi silang nagtatalo ni Mel.
Kikibo sana si Miranda kay Cara pero sininghalan na lang niya ito na tinawanan lang naman siya. Ilang saglit pang inasar ni Cara si Miranda hanggang sa matawa na lang din si Miranda dito.
BINABASA MO ANG
The Casanova's True Love
DragosteHe's a heartbreaker and no one dares say no to him until one day he meet a feisty girl and he fell in love at first sight. Will that girl be the Casanova's True Love?