Chapter 3 - Controversy

6 0 0
                                    

Laking pasalamat ko ng hindi traffic sa dinaanan ko kaya naman nakarating agad ako sa bahay nila Line. Nang makarating ako sa gate nila ay tinawagan ko siya at pinagbuksan naman ako ng guwardiya nila. Sandali ko lamang ipinarada si Jaggy at sinalubong naman ako agad ni Line pagkababa ko.

"Zelle, thank god at nakarating ka." Hinagkan niya ako at tinignan niya ang kabuuan ko.

"What are you wearing?" tanong niya sa akin na natatawa.

"Undercover?" patanong kong usal. "Marami akong paparazzi at alive sila ngayon dahil sa contract ko na malapit ng matapos." Paliwanag ko dito. Iginiya na rin niya tuluyan papasok sa kanilang mansion.

Napakaganda ng bahay nila pagpasok mo pa lamang ay maaamoy mo na ang amoy bulaklak na nanggagaling sa maraming bulaklak na nakadisplay sa loob ng bahay nila. May isang vase na iba't-ibang klase ang magkakasama at yung ibang vase naman ay nakaayos ayon sa kulay nito at ang ilan ay nakaayos sa uri ng bulaklak.

"I love the scent of your home." Nakangiting baling ko dito at ikinatuwa naman niya. Saglit lamang ay naupo na kami sa French Cabriole Sofa nila. Inutusan naman niya ang isang maid nila para maghanda ng makakain.

"Ngayon lang nagkabuhay ang bahay na ito ng dumating ako galing Paris. Paano ba naman yung bunso kong kapatid ayun at laging wala dito at naglalamyerda na naman kung saan-saan. Si Daddy naman ay ayun at palagi lang nasa company at si Mommy naman ay busy sa paglibot ng mundo. Tanging mga katulong lamang ang laging nandito." Pagkwekwento niya. Sa aming dalawa ay siya talaga ang makwento mula nung bata pa kami.

"Bakit kasi hindi ka na lang mag-stay for good dito ng hindi mawala ang buhay ng inyong bahay?" natatawa kong biro dito.

"I can't stay here, Zelle." Malungkot nitong usal at nag-iwas ng tingin. "Wala na dito ang buhay ko at andun na sa Paris. I left Philippines for good at ikaw lamang ang dahilan kung bakit ako bumalik dito." Mas malungkot niyang pagpapatuloy. Nahihimigan kong may hindi magandang nangyare.

"What happened?" bahagyang tanong ko dahil hindi ako makakapagbigay ng payo kung hindi ko alam kung saan siya nanggagaling.

"It is either I stay here, enjoy their fortunes like a princess and be married to a stranger or left everything behind including their financial support and start from scratch and have a life." Pagkwekwento niya. Sa himig ng pananalita niya ay mukhang nasasaktan siya sa totoong kadahilanan ay hindi ko alam. I know there is more to it. "That's how rich people are. They will sell off their children to expand their connection and power."

"We both understand that is the world we used to live in and arranged marriage is normal for people like us." Panimula ko sa sinasabi ko. Naiintindihan ko naman ang mga ganong klaseng buhay ay normal na para sa mga katulad naming mga tao kaya hindi na kataka-taka yun pero siyempre iba-iba talaga ang mga tao ng dahilan.

"Pero sa pinapakita mong emosyon ay parang may kirot pa diyan sa puso mo. May mahal ka bang iniwan bago mo pinili ang sarili mo?" diretso kong tanong sa kaniya. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Gusto kong samahan siya sa sakit na nararamdaman niya. Gusto ko siyang damayan.

"Actually, meron and I know that his life has been upside down until now. He's ruining himself and that is because of me. I left him without a word." Pagpapaliwanag niya at ngayon ay may tumulong luha sa kaniyang mga mata. Hinaplos ko ang bandang balikat niya at inalo siya. Hindi na ako nagsalita pa dahil ayaw kong balikan niyang muli ang sakit na pinagdaanan niya. Alam ko namang magkwekwento siya ng kusa pag handa na siya.

The Casanova's True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon