Chapter 21

0 0 0
                                    

Marky's Point of View

Mabilis akong lumabas sa kwarto ni Zelina at nagmamadaling hanapin sila Daddy. Hindi pa ba siya kuntento na ganito ang sitwasyon ng kapatid ko. Nababaliw na talaga siya.

"Anak, what are you doing down here?" Takang tanong nito sa akin. Andito sila sa cafeteria ng hospital. Mabilis na napatayo si Seth kasunod ni Tita Zoelle.

"The police are sending people here. Zelina will be under their protective custody. Namataan si Zach around this area malapit mismo dito pero natakasan sila nito ng sinubukan nilang hulihin at habulin. They think Zach will go after Zeline." Mabilis kong paliwanag sa kanila. Walang anu-ano at mabilis na tumakbo si Seth paalis dito.

"Let's hope that won't happen. Let's go." Inakay ni Dad si Tita at nagmamadali ring sumunod kay Seth. Buti at naabutan namin ito labas ng Elevator. Pagkapasok namin ay pinaalis niya lahat ng nakasakay dun at yung mga gustong sumakay ay hindi na pumasok pa.

Nakayukom ang kaniyang mga palad at nanlilisik ang mga mata. Sana mali ang hinala ng mga pulis dahil kung tama sila baka ako mismo ang makapatay sa Zach na yun.

Nang marating namin ang floor ni Zelina ay mabilis na tumakbo muli si Seth na sinusundan namin ni Daddy. Bukas ang pinto ng kwartong yun at mabilis na pumasok si Seth at ang sunod na narinig ko ay balabag ng gamit na hinagis sa loob kaya mas lalo akong nagmadali at huli na ang lahat dahil wala na dun si Zelina.

Nilibot ko ang kabuuan ng kwarto. Tinignan ko din ang CR pero walang tao dun. Pagbalik ko sa loob ng kwarto ay hindi ko mapigilan ang galit na aking nararamdaman dahil sa nakikita kong pagluha ni Tita at ganun na din ang Daddy ko. Hindi rin ako pwedeng manghina dahil anumang sandali ay baka napapahamak na namang muli si Zelina.

"Sir, pinadala po kami ni Hepe pa..." Natigil yung pulis sa pagpapatuloy ng makitang iyak ng iyak si Tita at walang pasyente ang nakahiga doon. "Nasaan po ang pasyente?" Napapasok sa loob ang mga pulis at yung nagsasalitang yun ay may ibinulong sa kasama at mabilis ding lumabas.

"Sir, may note po dito." Baling ng isang pulis sa akin dala dala ang kapirasong papel na nasa ilalim ng unan ni Zelina at inabot ito sa akin tsaka sila nagpaalam para libutin ang byong ospital. Sa ganun kabilis ay nahalugad na nila agad ang bawat sulok ng kwarto. Walang anu-ano ay binasa ko ang nakasulat sa ibabaw ng nakatuping papel at mababasa ang M. Montecarlos. Nasisiguro kong para sa akin o kay Daddy yun. Binuklat ko ang nakatuping papel.

Pagbabayaran mo lahat ng ginawa mo sa Pamilya ko Montecarlos. Pwede na ring kabayaran ang anak mo sa lahat ng atraso mo. Yours truly, March 13, 1998.

Mabilis ko itong binigay kay Daddy at nanlalaki ang kaniyang mga mata pagkabasa nun.

"Hon, ano yan?" Mabilis niya itong inagaw kay Daddy pero parang hindi niya alam ang ibig sabihin nun. Binasa rin ni Seth tsaka siya humarap kay Daddy.

"Tito what's with March 13, 1998?" Seryosong tanong nito. Hindi makatingin si Daddy kahit na isa sa amin. "Tito, you need to answer us. What's with March 13, 1998?!" Inalog-alog niya si Daddy kaya parang bumalik ito sa katinuan ngunit hindi siya nito pinansin at hinarap si Tita.

"Zoelle, it's not Zach. It was Efren Hernandez." Napatulala si Tita sa sinabi niya at biglang napaupo ito sa sahig na agad namang inalalayan ni Seth patayo. Parang ilang beses nagpaulit-ulit sa tenga ko ang pangalang yun hindi ko lang maalala kung san ko narinig yun.

"But he's in jail serving a life sentence. Paano?" Muling napaluha si Tita at napayakap kay Seth. "Seth, save her. Please save my daughter. He will kill her. He will kill her. Og god! No please."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 12, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Casanova's True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon