Episode 19

0 0 0
                                    

"Anak, mag-ayos ka na muna and let me talk with your dad." Wala na kong nagawa kundi ang umalis na lang sa harap nila. Imbis na sundin si Mommy ay lumabas ako ng bahay at umalis dala dala si Rev.

"Damn it!" Pinagpapalo ko ang manibela ko sa inis ko kay Daddy lalo na at paano siyang nakipagkasundo kay Zach. I really don't know what Zach is capable of doing.

Nagdrive lang ako ng nag drive at wala na akong pakialam kung saan man ako makarating. Sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ko ay hindi ko napansin ang isang truck na nasa kabilang lane na bumangga sa akin at sa pagmamadali ay iniwas ko ang sasakyan at sa ginawa kong iyon ay hindi ko napansin ang isang van sa kabila na mas naging malakas na nakasalpukan ng sasakyan ko.

Sa lakas ng impact ay bumaliktad ang sasakyan ko at dahil hindi ako nakaseatbelt ay malakas na tumama ang ulo ko sa upuan at mas malakas na tumama ang mukha ko sa manibela. Nanigas ang buo kong katawan at hindi ako makakuha ng kahit na anong lakas maski sa aking daliri. Nararamdaman ko ang pamamanhid sa buo kong katawan at kasabay nun ang sunod sunod na pagtulo ng mainit na dugo sa ulo ko. Maging ang magsalita o sumigaw ay hindi ko rin magawa sa panghihina.

Tulong...

Bigo kong sabihin yun. Bigla na lang may tumulong luha sa aking mata hanggang sa hindi ko na namalayan ng mawalan ako ng malay.

Marcus' Point of View...

Hindi ko alam kung paanong gagawin ko kapag may nangyaring masama kay Zelina. My one and only daughter. Naiyukom ko ang aking palad at malakas na sinuntok ang pader sa labas ng operating room.

"Marcus, don't hurt yourself." Nag-aalala akong nilapitan ng asawa ko at niyakap. "She'll be okay" Pagsisiguro niya pero hindi ko magawang kumalma. Hindi ito mangyayari sa kaniya kung hindi dahil sa pagiging inutil ko sa pagpapadala sa mga pananakot at pagbabanta ng Zach Anderson na yun. Hindi na baling mawala at malugi ang kompanya ko huwag lang mangyare to sa anak ko.

"It's my fault, Zoelle. I'm a coward." Hindi ko na alam kung sino pa ang sisisihin sa mga oras na ito kundi ang aking sarili. Wala akong magawa para sa mahal kong anak.

"It's not, Marcus. You didn't know until recently. Stop blaming yourself. Zelina will be okay. She will fight, I know that." Pangungumbinsi niya sakin. Malamya akong napatitig sa aking asawa. Nalaman man niya ang bagay na yun ay hindi siya nagalit o umiwas man.

"I heard the news. What happened?" Napalingon kaming mag-asawa sa biglang pagdating ni Seth. Ang lalaking tanging minahal ng anak ko maliban sakin.

"She's still inside the operating room. Let's just hope she'll survive this." Si Zoelle na ang humarap sa binata. Inakay ako ng asawa ko at tinulungang maupo

"Anong nangyare? Hinatid ko siya at akala ko ay sabay sabay na kayong..." Napigil siya ng bigla siyang suntukin ng malakas ng kaibigan ni Zelina na si Lhor.

"Anong ginawa mo?! Bakit nandun ang kaibigan ko?! Anong kagaguhan na naman ang ginawa mo sa kanya?!" Malakas na sigaw nito at dinuro ang binata. Pumagitna naman si Zoelle sa dalawa.

" It's not his fault, hijo. It was a road accident." Maikling paliwanag ni Zoelle kay Lhor. Natigilan ito at inis na nilingon ni Seth ang kaibigan ni Zelina tsaka humarap sa aking asawa.

"Tita, anong nangyari?" Nag-aalalang tanong niya. Napatingin sa akin si Zoelle marahil ay hindi rin niya alam kung paanong magpapaliwanag dito.

"We had an argument about her and LIC CEO's son. I didn't know this will happen." Nagbaba ako ng tingin dahil alam ko naman na ako talaga ang may kasalanan.

The Casanova's True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon