Rrender Javier POV
Hi everyone Rrender Javier is my name. Isa ako sa matalik na kaibigan ni Acerdel as the same time magkatrabaho rin kami medyo mas mataas nga lang yong rango niya kesa sa amin.
Ewan ko ba kung bakit nagkaroon kaagad ako nang POV. Tanongin niyo kaya si Author kung bakit.
By the way we're here at the club kasama ko si Acerdel at Reivedan (Rey-vi-dan).
"Di kapa ba uuwi Acer?" tanong ni Reivedan kay Acerdel habang umiinom nang alak.
"Oo nga dre baka hinahanap kana ng young lady mo hahaha." mahina naman kaming natawa ni Reivedan.
Bodyguard kasi siya ngayon sa anak na dalaga ng businessman na si Zack Bernard Anderson at the same time driver na rin.
Tahimik lamang siya habang sumisimsim ng alak sa kaniyang baso. Kahit kailan ang hirap basahin sa kung ano man ang kaniyang iniisip. Masyadong malihim patungkol sa mga nararamdaman niya.
Sa lahat nang taong nakilala ko si Acerdel lang ang taong maaasahan mo sa lahat at mapagkatiwalaan sa lahat ng mga bagay-bagay. Magaling. Matalino. Expert, yan lang ang masasabi ko period.
Mabait naman siya kahit napakaseryoso niya. Halos magkasabay lang din kaming lumaki. Nag-aral sa iisang paaralan. Maging sa trabaho ay magkasama pa rin kami. Sa tagal naming magkakasama kilala na rin namin ang isa't-isa kung ano ang mga gusto at ang mga ayaw.
Hindi sa pagiging military kami inaasahan ng mga mga magulang namin na magtrabaho dahil may kaniya-kaniya naman kaming kompanya na dapat sana ay mina-manage namin ngayon at sana sa pagiging businessman kami na padpad at rumoronda sa business world ngayon. Ngunit wala rin silang nagawa dahil porsigedo kaming ituloy ang pagsilbe sa bansa.
Sinunod naman namin yong mga gusto nang mga magulang namin na mag aral tungkol sa business. Pero hanggang sa pag-aaral lang ang na itupad namin.
Di katagalan ay napagdesisyonan naming kumoha na nang pasulit sa military. That's why, in that time disappoinment plastered on their faces. Di naman namin sila masisisi sa naging reaksyon at naramdaman nila.
Pero kalaunan ay tinanggap at sinuportahan rin kami ng mga magulang namin. Pero binigyan rin nila kami ng iba't ibang kondisyon. At ang pinaka mahirap na sigurong kondisyon na binigay nila sa amin ay 'yong ipapa-manage pa rin sa amin ang ibang mga kompanya, di na talaga kami makakatakas siguro sa business world. Nakakaumay kaya.
Mukhang okay naman siguro yon atleast natupad na namin ang maging sundalo.
Sa Unites States pa kami nag training. Maging dito sa Pilipinas nagkaroon rin kami nang training. Kaya likas na magagaling kaming magka grupo na pinangungunahan ni Acerdel. Lima kaming myembro kasama na si Acerdel.
3 months and 2 in a haft weeks pa kaming naka graduated mula sa training pero marami na kaming napahanga sa galing ng grupo namin.
Di nga lang namin kasama ang dalawa sa ngayon dahil may pinapagawa si Acerdel sa kanila, di ko alam sa ngayon kung ano ang mga ginagawa nila. Umalis na kasi kaagad sila matapos silang kausapin ni Acerdel kanina.
"Wag niyo na muna sigurong palabasin si Zaitel sa bahay. I mean may tiwala naman ako sayo dre pero kailangan paring mag-ingat lalo na sitwasyon ngayon." seryosong sabi ko kay Acerdel.
Napatango naman ito sa sinabi ko himala sumang-ayon.
Nagkausap kasi sila ni General Alvarez tungkol sa case nang mga nawawalang anak ng mga mayayaman na kadalasang anak ng mga business man/woman.
YOU ARE READING
My Phenomenal Bodyguard
RomancePHENOMENAL, known through the senses rather than through thought or intuition. -extraordinary or ang pagiging kahanga-hanga sa salitang Tagalog. This story is about dealing and facing problems. A man's rare talent, being a phenomenal one. He is Acer...