Zaitel's POVMalapit na kami sa bahay ng may lalaki akong nakita sa harap ng bahay.
"Darren." Mahina kong banggit sa pangalan ng taong natatanaw ko sa harap ng bahay namin na nakatingala. Nakasandal lang ito sa kaniyang kotse.
"Don't talk with him. Stay. Away." May diing sabi ni Acerdel na naging madilim na ang ekspresyon ng mukha nito habang diretso lang ang titig kay Darren.
"Bakit mo ba ako pinagbabawalan na makipag-usap sa kaniya?" Tanong ko na sakto rin na huminto ang kotse niya sa tapat ng sasakyan ni Darren.
"Didn't we talked about this?" Seryoso niyang tanong.
"Di ko naman naalalang pumayag ako non." Pagmamaldita ko. Bakit parang siya na ngayon ang nagde-desisyon ng mga gagawin ko.
Bumuntong hininga ito at dahan-dahan iyong pinakawalan.
Pinagmasdan ko si Darren na nakatitig lang sa sinasakyan naming kotse. Tinted ang kotseng ito kaya alam kong hindi niya kami maaaninag mula sa labas habang kami ay malinaw siyang nakikita mula rito sa loob.
Bumalik ang tingin ko kay Acerdel ng maramdaman ko ang masuyong paghawak nito sa kamay ko.
"Please makinig ka naman sa akin." Mahina niyang sabi habang nakatitig sa mga mata ko ng deretso.
"Sinabihan na kitang sabihin mo sa akin ang rason mo pero hindi mo man lang ako sinagot. Oo, inamin ko na sayong gusto rin kita pero huwag ka namang umakto na parang pagmamay-ari mo na ako. My life, my rules. Kaya huwag mo akong didiktahan sa mga gagawin at galaw ko." Sabi ko bago kinalas ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Kitangkita ko kung paano dumaan ang sakit sa kaniyang mga mata at hindi ko itatangging nasaksaktan rin ako sa mga emosyong nakikita ko sa kaniyang mga mata.
Ayoko lang na may taong parang kinokontrol ako. Buhay ko ito kaya ako lang dapat ang masusunod sa mga gagawin ko.
Kaagad kong binuksan ang pinto ng kotse at iniwan na lang siya sa loob.
Tipid akong ngumiti ng masaya ang mukha ni Darren na sumalubong sa akin.
"Sabi ko na nakasakay ka diyan sa kotse na 'yan, e." Sabi niya at kaagad akong hinalikan sa nuo ko ng makalapit ito.
"Bakit ang tagal mong lumabas? Sino ba ang kasama mo? Saan ka ba nagpunta?" Sunod-sunod niyang mga tanong."Pumunta kami nong isang araw sa Japan ni Acerdel." Sabi ko na ikinalaki ng mga mata niya pero di ko na lang iyon pinansin at nagsimula ng i-unlocked ang gate. Kaagad akong pumasok habang nakasunod lang siya sa akin.
"Anong ginawa niyo sa Japan? May ginawa bang masama sayo ang lalaking 'yon? Pinilit ka ba niyang pumunta ng Japan?" May bahid ng pag-alala niyang tanong.
Napahinto ako sa paglalakad at mabilis siyang hinarap na ikinahinto niya naman sa paglalakad. Nagtataka ang tingin na tumitig ito sa akin.
Pinagmasdan ko ng maayos si Darren at tinanong ang sarili kung bakit ayaw akong palapitin ni Acerdel sa kaniya. Alam ko matagal na kaming nagkawalay sa isa't isa at maaring nagbago na siya sa dating siya na nakilala ko. Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit ayaw sabihin ni Acerdel ang mga dahilan niya kung bakit niya ako pinapalayo sa lokong ito.
Hindi ko rin alam kung sino ang nagsisinungaling o kung dapat kong pagkatiwalaan sa kanilang dalawa. Si Acerdel ba na bagong kakilala ko lang o si Darren na childhood best friend ko na iniwan ako ng walang paalam at ngayon ay nagbabalik na?
YOU ARE READING
My Phenomenal Bodyguard
RomancePHENOMENAL, known through the senses rather than through thought or intuition. -extraordinary or ang pagiging kahanga-hanga sa salitang Tagalog. This story is about dealing and facing problems. A man's rare talent, being a phenomenal one. He is Acer...