Zaitel's POV
..........
Nagising ako sa isang malawak na silid.
Ipinalibot ko ang aking tingin sa malaking kwarto at nasisiguro kong hindi ito ang silid tulogan ko. Masyadong malaki ang silid na ito pero ni kahit isang gamit ay wala kang makikita maliban sa malaking kama na ito.
Nahihilo kong inalala ang huling nangyari sa akin.
Napabalikwas ako ng bangon sa pagkakahiga ng maalala ko ang huling nangyari sa amin ni Darren.
"Nasaan si Darren?" Tanong ko na para bang may sasagot sa tanong ko. Napasapo ako sa ulo ko ng medyo kumirot iyon.
Napatingin ako sa isang pintoan ng biglang bumukas iyon at pumasok ang isang may katandaang lalaki kahit na nakamaskara ito makikitaan naman sa galaw at kulay ng buhok nitong medyo nagkukulay abo na. He's wearing a formal Americano suit. Hindi pamilyar ang tindig niya sa akin pero nakakatakot itong titigan sa mata. Umayos ako ng upo at hindi nagpakita ng kahit na anong emosyon.
"Good morning young woman?" Magalang nitong tanong pero nandoon pa rin ang lamig ng pananalita nito. Tinitigan ko siya, mata sa mata para maipakita ritong hindi ako natatakot sa kaniya.
"Pretending to be brave?" He coldly said before chuckling.
"Well, your father is brave but pity for him he never experience to traine you on how to be fearless." Nakangisi niyang sabi na ikinabagsag ng pagpapanggap kong pagmamatapang sa harapan niya.
May ginawa ba silang masama sa daddy ko?
Lumapit ito at naupo sa isang sofa na kaharap ng kinahihigaan kong kama.
"N-nasaan ang daddy ko? Anong ginawa niyo sa kaniya?" Nag-aalalang tanong ko.
Tumawa ito na para bang may kausap siyang tanga. Nakakainsulto ng pamamaraan niya.
"Your wrong hija, I'm referring to your other daddy." Sabi niya na ikinasingkit at ikinasalubong ng dalawa kong kilay sa gitna sa sobrang pagtataka. Another daddy? Anong ba 'yang kagagohang sinasabi niya.
"Anong ibig mong sabihin?" Nagtataka kong tanong.
Hindi niya pinansin ang tanong ko at basta na lang itong tumayo at inayos ang kaniyang suot na mamahaling Americano. Tumikhim ito at muling nagsalita.
"Nagpunta lang ako rito para makita at kamustahin ang anak ng isa sa mga matatalik kong kaibigan." Sabi niya na ikinapagtaka ko lalo.
Matalik siyang kaibigan ni daddy? Pero bakit ako nandito? Anong gagawin nila sa akin?
"Sino ka ba?" Muli kong tanong na hindi na naman niya sinagot. Nakakainis na siya.
Naglakad na ito patungo sa pintoan na ginamit niya sa pagpasok kanina.
"Nasaan si Darren? Saan niyo siya dinala?" Tanong ko na ikinalingon niya pabalik sa akin.
"He's in the good hands." Huling niyang sinabi bago binuksan ang pintoan at hindi nagpapigil na umalis na lang basta.
Kung ano man ang ibig sabihin ng mga sinabi niya..........hindi ko na alam kung ano ang dapat na isipin ko. Nakadagdag lang siya sa sakit ng ulo ko. Sa ngayon ang kailangan ko lang malaman kung nasaan si Darren, ng makaalis na kami ng ligtas, sana maayos lang siya.
YOU ARE READING
My Phenomenal Bodyguard
RomancePHENOMENAL, known through the senses rather than through thought or intuition. -extraordinary or ang pagiging kahanga-hanga sa salitang Tagalog. This story is about dealing and facing problems. A man's rare talent, being a phenomenal one. He is Acer...