Zaitel's POV
"Thank you sa paghatid."
Akmang magsasalita na sana si Darren ng may naunang nagpa-panic na nagsalita sa kaniya na nanggagaling sa may likuran ko. Nasa bungad kasi kami ng pintoan.
"Chepipay!" May pag-alalang sigaw ng kung sino. Mabilis at nagtataka kong nilingon ang pinanggalingan ng boses na 'yon."Shit! Are you okay?"
And I saw Vien walking towards me with worried expression. Kaagad niya akong sinalubong ng mahigpit na yakap.
"Vien?" Nagtataka kong bigkas sa kaniyang pangalan ng pakawalan niya ako sa kaniyang pagkakayakap. Ang akala ko may business trip siya e anong ginagawa niya rito.
"Are you okay Chepipay? Hindi ka lang ba nilang sinaktan?" Nag-aalalang tanong nito.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko imbes na sagotin ang kaniyang tanong.
"Huh?" Nakakunot nuo nitong ani.
"Ang akala ko may business trip ka?" Nagtataka kong tanong muli.
"Tinawagan ako kaninang umaga ni Fergal na nakidnap ka raw kaya dalidali akong umuwi kahit na nasa gitna ako ng meeting. God, Chepipay, I was damn worried. Sinabi ko na sayong mag-ingat pero sadya atang matigas ang ulo mo at hindi ka man nakinig." Sabi nito na parang pinapagalitan ako sa paraan ng kaniyang pagsasalita, napakurap kurap na lang ako.
"Ahem" rinig kong tikhim ni Darren sa may likuran namin kaya doon na naman natuon ang pansin namin. Nakita ko ang pagkakunot na nuo ni Vien na nakatitig kay Darren.
"At sino ka naman?" Maangas na tanong ni Vien saka hinila ako sa may pintoan at siya ang pumalit sa pwesto ko at sila na ngayon ang magkaharap ni Darren.
Darren look at Vien intently. Kaniya-kaniya silang palitan ng mga matatalim na tingin.
"I said who are you?" Muling tanong ni Vien.
Darren smirked at saka bumaling ng tingin sa akin na may kasamang matamis na pagngiti.
"Huwag mo ngang ngitian ng ganiyan ang Chepipay ko." Sabi ni Vien at iniharang pa ang kaniyang sarili sa gitna namin.
"Chepipay? Is that your endearment to my best friend?" Nakangiwing tanong ni Darren kay Vien. Sabi na e ang pangit talaga ng endearment ni Vien sa akin. Buti na lang sanay na ako na tinatawag niya akong Chepipay. "It's sounds like a pet's name." Muling dagdag pa nito.
"Anong best friend?" Masungit na tanong ni Vien at muling tinapunan ng nakakamatay na titig si Darren na ikinangiti lang naman ng kaharap niya.
Bumaling ng tingin sa akin si Vien na may nagtatakang mukha. "Saang lupalop ng mundo mo ba itong lalaki na 'to napulot Chepipay? At pakisabi nga sa lalaking ito kung sino talaga ang best friend mo. Pakigising nga siya sa kaniyang pagkakatulog alam ko namang wala ka ng ibang best friend maliban sa akin, diba Chepipay?" May pagmamalaking sabi ni Vien at pinagkrus pa talaga ang kaniyang mga braso sa taas ng kaniyang dibdib at kitangkita ko pa kung paano niya tinaasan ng kilay si Darren.
Paano ko ba ito sasabihin. Knowing Vien siguradong maghe-hysterical ang isang 'to, may pagkaisip bata pa naman ito paminsanminsan.
"Amh Vien hindi siya nagsisinungaling he is really my best friend............"
YOU ARE READING
My Phenomenal Bodyguard
RomancePHENOMENAL, known through the senses rather than through thought or intuition. -extraordinary or ang pagiging kahanga-hanga sa salitang Tagalog. This story is about dealing and facing problems. A man's rare talent, being a phenomenal one. He is Acer...