CHAPTER 6

505 94 7
                                    


A/M: Thank you for reading. Dito niyo malalaman kung bakit Chepipay ang tawag ni Vien kay Zaitel. Pagpasensyanhan niyo na wala kasi akong ibang maisip kung bakit Chepipay heheh.



Zaitel POV

Napabalikwas ako sa pagkakahiga ng may narinig akong katok sa pinto.

8:48am na, tinanghali ata ako ngayon.

Muli kong narinig ang pagkatok nito sa pinto. Kaya nagtungo na ako roon.

"Kayo pala Manang" si Manang lang pala.

"Inakyat na kita rito baka kasi nagugutom kana. May nakahanda nang pagkain" maligayang sabi nito.

"Gutom na nga po talaga ako" sabi ko sabay labas ng tuloyan sa pinto at nagsimulang maglakad. Alam kong parang sinabugan 'tong itsura ko ngayon, sa nagugutom na talaga ako, e.

"Ano po bang ulam Manang?" Tanong ko rito habang humuhikab. Nakasunod lamang siya sa may likoran ko.

"Menudo at adobo hija"

Wow sarap! Natatakam na ako.

Nang marating namin ang dinning area wala na akong inaksayang oras at agad nang umupo. Kita ko agad ang menudo at adobo, sa itsura pa lang masarap na.

Nanunubig na yong bibig ko sa takam.

Nagsimula na akong kumain.

"Kayo po ba ang nagluto nito Manang?" Tanong ko rito.

Grabe ang sarap naman nito. Pero familiar yong lasa ng adobo parang luto ni.........

"Si Acerdel ang nagluto niyan kanina" sabi ni Manang.

Sabi na e. Ang sarap niya talagang magluto.

"Tapos na po ba siyang kumain?" Tanong habang sumusubo ulit.

"Sa pagkakaalala ko pagkatapos niyang lutoin yan kanina nagpalaam na siyang aalis na muna siya" sagot nito.

"Umalis siya? Saan raw po siya pupunta?" Sunod-sunod kong tanong.

"Di niya sinabi. O siya sige kumain ka lang jan maglilinis na muna ako" paalam ni Mamang.

Umalis na naman siyang walang paalam. Lakas makamay-ari ng bahay. Aalis kahit anong oras gusto. Tsk wala talagang modo yong lalaking 'yon.

Di nga siya nag-abalang magsalita ni kahit isang salita lamang. Wala siya sa mood mang-asar, ata. Pansin ko ding di sila close ni Vien. Bakit kaya?

................

"Oh hija magmeryenda ka muna" sabi ni Manang na may dalang tray.

"Salamat Manang" nakangiti kong pasasalamat rito.

"Dito ka na muna. Pupuntahan ko muna si Minda para magpasamang mamalengke" Si Yaya Minda, isa sa mga katulong namin dito sa bahay.

"Sige. Salamat ulit rito."

Agad na siyang pumanhik sa pupuntahan niya.

Kinuha ko ang juice at ininom. Inabot ko na rin cellphone ko sa tabi ng tray.

"2:17pm na pala" wala sa sarili kong sabi.

Akmang ilalapag ko na yong cellphone ko nang tumonog naman iyon hudyat na may tumatawag.

["Chepipay"] masiglang sabi ni Vien.

"Oh?"

["Are you okay? May sakit ka ba Chepipay?"] Nag-aalalang tanong niya.

"Wala"

["Bakit ganiyan ang boses mo?"] tanong na naman niya.

"Okay lang ako."

My Phenomenal BodyguardWhere stories live. Discover now