CHAPTER 4

575 107 13
                                    

Zaitel's POV

*Kruuuuk kruuuuuk*

Aray ko! Nagugutom na ata yong tiyan ko, panay reklamo na inaantok pa naman ako. Sumasakit din yong ulo ko.

Papikitpikit kong kinapa ang cellphone ko sa may bedside table upang tignan kung anong oras naba. Masyado na kasing napakaliwanag na sa labas.

Napabalikwas naman ako paupo nang makita kong 10:45am na. "Ayys kasalanan talaga to ng mokong nayon. Bat kasi di siya umuwi." damog kong sabi.

Bumangon ako at naligo na rin. Pagkatapos kong magbihis ay kaagad na akong lumabas sa kwarto gutom na kasi talaga ako.

Hawak-hawak ko ang tiyan ko nang makasalubong ko si Manang Teni sa may sala na naglilinis.

"Oh hija magandang umaga." magiliw na bati nia sa akin.

"Magandang umaga rin ho Manang." nakangiting bati ko pabalik.

"Tinanghali ka ata nang gising ngayon ah mag-aalasdose na oh." sabay tingin sa malaking wall clock dito sa may sala "oh siya kumain kana roon nang magkasabay na kayo ni Acerdel. Yong daddy mo kanina pang nakaalis. Sige na hija maglilinis pa ako maiwan na muna kita." umalis na siya nang pagkatapos sabihin ang mga yon.



Napantig naman ang aking pandinig nang marinig ko ang pangalang binanggit ni manang. Tsk lintik siya nang dahil sa kaniya tinanghali ako ng gising di ko tuloy naabotan si dad.

Pumasok na ako sa dinning area at doon ko nakita si Acerdel na tahimik na sumisimsim ng kape. Napatingin naman siya sa gawi ko ng makapasok na ako ng tuloyan.


"Good morning young lady." masigla niyang bati.

"Tsk anong maganda sa umaga, aberr." masungit kong sabi.

Ang kaninang masayang mukha niya ay napalitan na ngayon ng nagtatakang mukha.

"Bad mood ka ata?" Nagtatakang tanong nito at sabay sandok ng kanin.


Umupo na rin ako sa katapat ng inuupoan niya.

"Palagi naman ah. Kapag nasa paligid kita sumasama araw at yong magandang mood ko." tugon ko nang di siya tinitignan.


"Meron kaba?" biglang tanong nito na ikinalingon ko rito.

"Tsk" Yan lang nasabi ko. Pakialam niya.


"Ma'am ito na po yong gatas niyo." Sabi ng katulong at inilapag ang isang baso ng gatas sa tabi ko.


"Salamat ate" ako. Umalis din ito kaagad pagkatapos niyang tumango.

"Pffftt pfftt" tumingin naman ako kay Acerdel na ngayon ay nagpipigil ng kaniyang tawa.



Ewan ko kung bakit siya natatawa.


"Anong tinatawa-tawa mo diyan hah. Ugok tignan mo nga yang mukha mo para kang natatae." mataray kong sabi at nagsimula na ring magsandok at kumain.


"Pfft seriously gatas? Naggagatas kapa sa tanda mong yan pfft." pigil tawa niyang tanong.

Inis naman akong napatingin rito. Aba ngayon lang ba siya nakakita nang taong umiinom nang gatas. Bakit bata lang ba ang pwede sa gatas?

"Tsk anong matanda ang sinasabi mo diyan hah. At isa pa ngayon ka lang ba nakakita ng isang dyosa na umiinom ng gatas. Pangalawa nasa edad ba ang pag-iinom ng gatas. At panghuli baka ikaw yong matanda kasi sa ating dalawa ikaw yong umiinom nang kape. Diba pang matanda lang yan pinagbabawal nga yang ipainom sa mga bata. Heh gurang." mahaba kong sabi habang nakataas ang isang kilay at sinabayan pa ng irap.

My Phenomenal BodyguardWhere stories live. Discover now