Zaitel's POV
Nearly fifteen minutes lang kaming namalagi sa vacation house niya para makapagbihis ng fomal na damit. Akala ko nga tapos na kaming gumala at uuwi na para makapagpahinga. Pero mukhang may iba pa siyang gustong puntahan at nasasabik na ako ron.
Di ko rin alam kung saan kami pupunta ngayon. Pinagmaneho na naman kami nong lalaking sumundo sa amin kahapon sa airport.
Napatingin ako sa suot kong grey back less rushed ruffle casual dress na pinaresan naman ng black long coat para hindi ako lamigin at kulay gatas na stelleto. Pinagmasdan ko si Acerdel na nakatitig lang pala sa akin. Kaagad itong ngumiti at kumindat sa akin.
Ito naman, ano ba! Kaloka!
Di ko na lang iyon pinansin kahit na nagwawala na naman ang puso ko sa pagtibok ng sobrang bilis niyon dahil sa simpleng pagkindat niya lang.
Malala na ba ako?
"Saan na naman tayo pupunta?" Tanong ko para bigyang ibang pansin ang puso ko.
"Date." Maikli niyang sagot habang iginigiya ang kaniyang kaliwang kamay papunta sa mukha ko.
"Your so beautiful. You look aesthetic." He compliment.
"Thank you. You look handsome too." I politely said. Halos mapaso ako sa sarili kong mukha sa pag-iinit niyon.
Lumubo ang dalawa kong mga mata ng dumukwang ito para halikan ako sa mga labi ko. It was just peck kiss but it gaves me a billions of voltage passing through my spine and veins. Pinunasan niya ang labi ko gamit ang hinlalaki niya bago bumalik sa pagkakasandal ng kaniyang likod sa upoan ng kotse at iginiya ang ulo ko para ipasandal sa kaniyang matitipunong dibdib.
"Okay ka lang ba?" Tanong ko sabay tingala sa kaniyang napaka-gwapong mukha.
"Hmm." He hummed as an answer.
"Bakit parang hinihingal ka at bakit sobrang bilis rin ng tibok ng puso mo. Talagang okay lang ba?" Nag-aalala kong tanong.
Ang lalim kasi bawat hiningang ibinubuga niya. Para siyang galing sa takbuhan.
Napabaling ako sa labas ng bintana ng may nakita akong kaakit-akit na ilaw na bumabalot non. Umalis ako sa pagkakahilig sa kaniyang dibdib at nakipagpalit ng pwesto ng upoan.
"Ang ganda." Wala sa sarili kong anas. Para siyang tore na umiilaw.
"That is the famous Tokyo Tower here in Japan." Rinig kong sabi ni Acerdel sa likuran ko. Pero di ko na siya nilingon pa kasi nasa toreng umiilaw ang buo kong atensyon.
Gusto kong puntahan ang lugar na iyon. Gusto kong pagmasdan ito sa malapitan. Sana makapunta at malapitan ko ang toreng iyan.
"Gusto kong pumunta doon." Mahina kong bulong sa sarili ko.
May pagmamakaawa at pakiusap kong binalingan ng tingin si Acerdel. Pero mukhang hindi naman iyon umepekto sa kaniya bagkus ngumiti lang ito at maingat at masuyo niya lang akong hinalikan sa nuo ko.
Muli akong napabaling sa labas ng bintana at pinagmasdan ang toreng umiilaw na unti-unting lumalayo na sa paningin ko.
May paghihinayang at malungkot akong maayos na naupo sa kinauupoan ko.
"Nandito na po tayo, sir, ma'am." Rinig kong anunsyo ni manong driver bago tumigil sa pag-usad ang sasakyan.
May pag-iingat akong inalalayan ni Acerdel na makababa hanggang sa pumasok kami sa isang malaking gusali. Hawak ako sa siko ni Acerdel kaya sumasabay na lang ako sa paglalakad niya. Pumasok kaming dalawa sa isang elevator at pinindot niya ang top floor.
YOU ARE READING
My Phenomenal Bodyguard
RomancePHENOMENAL, known through the senses rather than through thought or intuition. -extraordinary or ang pagiging kahanga-hanga sa salitang Tagalog. This story is about dealing and facing problems. A man's rare talent, being a phenomenal one. He is Acer...