CHAPTER 9

421 85 2
                                    

ZAITEL POV

"Princess maawa ka naman sa pagkain mo masyado mo nang tino-torture. May galit kaba sa kanila, ayaw mo ba niyan? Gusto mo magpaluto ako nang iba?" tanong ni dad na nagpabalik sa katinoan ko.

Nandito kami ngayon sa dinning area, naghahapunan. Magkaharap kami nang inuupoan ni Acerdel na naka sunglasses pa rin si dad naman nasa dulo ng lamesa malapit sa amin.

Nakakainis talaga yong nangyari kanina sa sala. Di ko matanggap na naisahan ako.

"Kasi naman dad may ugok na aso kanina diyan sa labas." Inis kong sabi. Nagtaka naman si dad. Binalingan ko naman ng tingin si Acerdel na nakatingin rin sa gawi ko. Muli kong ibinalik ang tingin ko kay dad at nagpatuloy sa pagsasalita. "Tinahulan ba naman ako nong pagkalabas ko sa gate. E wala naman akong ginagawang masama sa kaniya. Pagkatapos tatangkain pa niya sana akong kagatin" may pada-moves-da-move ko pang pagpapatuloy sa pagkwento.

"Kaya ayon sa takot kong makagat pumulot ako nang malaking bato diyan sa gilid. Agad ko iyong ibinato sa kaniya. Napangisi ako nang matamaan ko ito sa bandang nuo. Napadaing ito sa sobrang sakit pero ang pinagtataka ko ay kung bakit malakas pa rin akong tinatahulan dapat dumakbo na sana siya. Akmang tatakbo na sana ako pabalik dito sa loob kasi alam ko na sa sarili ko na wala talaga akong laban. Matapang yong aso." Ang totoo wala naman talagang nangyaring pagkasagupa ko ng aso kanina iniba ko lang kwento tungkol sa nangyari kay Acerdel.

"Ngunit, mabilis ang kaniyang paglapit sa akin. Kaya wala na akong ibang magawa kondi suntokin na lang siya sa mukha, ayon sapol sa kaliwa niyang mata. Di pa talaga nadala kaya sinundan ko pa ng isang suntok sa may panga niya. Kaya ayon kumaripas na nang takbo." Natatawa ako sa sarili kong kwento. Pinipigilan ko lang, pero di talaga kaya e kaya ayon tumatawa na ako sa harapan nila na animoy may pinag-tagumpayan na isang bagay.

Halo-halo yong mga naging reaksyon nila kaya tumigil na lang ako sa pagtawa. Parang ako lang ata yong natawa sa amin.

Tiningnan ko muna si Acerdel kita kong nakakunot na ang nuo. Tiningnan ko naman yong labi ayon pumutok nga talaga yong labi niya dahil sa suntok ko kanina.

Kaya binalingan ko na lang si dad at saka nagtanong.

"Anong masasabi mo sa ginawa ko sa aso dad?" hambog kong tanong habang umiinom ng tubig saka ibinaba ulit.

Ang sama ko na ba dahil si Acerdel yong iniisip kong nagkaganon.

"Just eat princess. I think you need it." makahulogang sabi ni dad.

Akala ko pa naman bibilib na siya.

"Dad naman" saway ko habang nakanguso.

"Anyway" pauna ni dad saka ibinaling ang tingin kay Acerdel. "You've been wearing that sunglasses since I came here. And now in the middle of the night your still wearing that." aniya.

"Kasi sir....." kamot batok na sabi ni Acerdel. Patay.

"I have sore eyes that's why I wear sunglasses." Pagpapalusot niya.

"Hahahaha" tawa ko na ikinabaling nang atensyon nila sa akin.

Ano ba naman kasing klaseng palusot yon, ampupu. 'I have sore eyes' daw. Neknek mo haha.

I saw dad's reaction that his not satisfied of what Acerdel said. Di siya naniniwala. Lagot na.

"Pinagloloko mo ba ako Acerdel. Sa panahon ngayon di uso ang sore eyes. Atsaka nandito lang naman kayo sa loob sino naman ang hahawa sayo. Kaya hubarin mo na yan" utos ni dad rito.

*Ting* alam ko na ang gagawin ko heheh. What a bright idea.

"Oo nga dad hindi ko naman napansin na umalis siya kanina." Parang tanga kong sabi. Hehe ngayon ka sa akin.

"Sige na hijo hubarin mo na yan" utos muli ni dad.

Ano kayang magiging reaksyon ni dad kapag nakita niya yong black eye ni Acerdel. Siguradong matatawa si dad sa itsura niya. Panigurado yon.

"And what is that on your left forehead? Bakit putok din yang labi mo?"

Napatingin naman sa akin si Acerdel and take note ang sama ng tingin niya sa akin kahit di ko naman nakikita yong mata niya pero nararamdaman ko.

Nagulat ako nang si dad na mismo ang nagtanggal nong sunglasses ni Acerdel.

Gulat na napatingin si dad sa mukha ni Acerdel. Binalingan naman niya ako nang tingin at saka nagsalita.

"Are you sure princess na aso ang nakaaway mo kanina?" seryosong tanong ni dad kaya agad na akong napatayo akmang maglalakad na ako paalis ng tawagin ako ni dad.

"Zaitel get back here. Let's talk" ma awturidad na sabi ni dad. Hala lagot na. Zaitel raw hindi na princess. Galit na ata si dad. Dapat pala inisip ko muna ang mangyayari kapag nakita ni dad yong mukha ni Acerdel ang akala ko kasi pagtatawanan niya si Acerdel. Di pala ganon si dad.


..........

"Say sorry now to Acerdel" utos ni dad. Kanina niya pa ako pinipilit na mag-sorry kay Acerdel. Kita nang ayaw kong mag-sorry. Ngayon ko nalaman na deserve talaga ni Acerdel yang mga natamo niya.

Nandito na kami ngayon sa sala.

E kasi naman nahihiya kong aminin kay dad na nang dahil sa paghalik ni Acerdel sa akin.......siya nga ba talaga ang humalik kanina? Aish wala talaga akong lusot this time. Yong kagabi naman mas lalong  ayoko sabihin kay dad baka mas lalong magalit pa siya. Or else baka makaptay pa si dad. Ayoko naman na mangyari yon no.

"Sorry" labas sa ilong kong sabi nang hindi tumitingin sa kahit na sino sakanila.

Kainis naman, e. Gusto ko ng makaalis rito.

"Can you make it sincere" sabi ni Acerdel na ikinainis ko. Mukhang natutuwa siya sa pagbalikdad ng sitwasyon namin.

Inirapan ko na lang siya sabay cross arm.

"Make it sincere princess" utos ni dad.

Malakas akong bumuntong hininga at saka hinarap si Acerdel.

"Sorry" sabi ko nang nakatingin sa kaniya.

"It should be 'I'm sorry' not 'sorry'." ang arte nito.

Napatingin naman ako kay dad na nakatingin rin pala sa akin. Muli akong bumuga nang hangin at humarap muli kay Acerdel.

"I'm sorry" mahina kong sabi.

"What? I didn't hear you. Can you make it louder and clear." utos niya habang nakangisi. Loko talaga 'to.

"I'm sorry" medyo malakas-lakas ko nang sabi.

"Galit ka ata e." reklamo na naman ni Acerdel. Sinasagad niya talaga yong pasensya ko.

"Ayosin mo princess as far as I know ikaw ang may kasalan kung bakit may mga marka ng pasa si Acerdel" seriously? Nakakainis na, ah.

"This will be the first and last" I said as I sharply stared at Acerdel.

"Good thing" sabi naman ni dad.

"I'm sorry" this time ginalingan ko na talaga. Ngumiti pa ako nang malapad.

"Oh siya sige na. Umakyat na kayo sa mga kwarto niyo para makapagpahinga na. Matulog na kayo. Mauuna na ako sa inyong umakayat. Wag na wag kong maririnig na nag away kayong dalawa muli." Sabi ni dad at umakyat na sa taas.

Tumayo na rin ako bago at ako umalis nang tuloyan binigyan ko muna nang matalim na tingin si Acerdel na ikina ngisi naman nang loko.

"You'll pay for this" banta ko saka nagtuloy-tuloy na sa pag-akyat.

My Phenomenal BodyguardWhere stories live. Discover now