CHAPTER 41

256 27 0
                                    

Zaitel's POV



"Saan kayo nanggaling?" Kaagad na tanong ni Vien ng makababa kami sa kotseng sinasakyan, kadarating lang din kasi namin. Napabaling naman ang tingin ko kay Darren na nakakunot nuo at diretso lang tingin nito kay Acerdel na nasa likuran ko.

"Sa bahay niyo." Simple kong sagot nang ibalik ko ang tingin kay Vien na gulat ng napatitig sa akin ngayon.


"For real? Two hours na kaya kaming naghihintay dito sa labas, tapos nasa bahay lang pala kayo." Sabi ni Vien bago namaywang, "sabi na e, dapat umuwi muna ako kanina." Sabi nito na ikinasalubong ng kilay ko. Kung umasta kasi siya parang ang laki ng problema niya sa buhay.

"Ba't di kaya pumasok sa loob?" Takhang tanong ko sakanila na di naman nila sinagot.

Napatingin ako sa buong paligid at sa araw na papalubog na. If two hours na silang naghihintay maybe 3pm or 4pm pa silang nandito lang sa labas ng bahay?



"Anong ginagawa niyo dito?" Kapagkuwan ay tanong ko na lang. "Sa loob ng bahay na lang kaya tayo mag-usap." Suhestiyon ko.


"No need, aaalis rin naman tayo." Pigil sa akin ni Vien. Mas lalong nagsalubong ang kilay kong hinihintay ang susunod niyang sasabihin.
"Mag-date tayo." Dagdag niya.

"Hah?"

"Let's have a date, a group date to be exact."

........

"What the fuck is this place is?" Puno ng pagtatakang tanong ni Acerdel na mababahiran ng medyo pagkairita sa boses nito.

Nakatingin lang kami sa kaharap naming gusali. It's an open wide place with different decorations in every corner of it.


"What the heck, Ace." Inis ring turan ni Darren na nakatanga lang sa kaharap na gusali.

Halos gusto ng pumasok ng alitaptap sa bibig namin na kanina pang nakaawang sa pagkagulat at di namin sukat akalain na dito niya kami dadalhin. Akala ko sa mamahaling restaurant niya kami dadalhin. Todo presinta pa naman siya kanina, nag-expect tuloy ako, then it happens like this.


"Ano ba 'yang iniisip mo Vien. Look at to our outfits it's not suitable to this place. Nang-aasar ka ba?" May bahid ng inis kong sabi rito.

Napatingin ako sa mga suot namin. Ang suot ng mga lalaki ay formal suits maliban lang kay Vien na naka jeans at polo shirt lang habang ako naman ay nakadress. Plinano na niya ata ito, e.

Napangiti lang ito sa sinabi ko.


"Sabi ko naman kasi sa inyong huwag na kayong magbihis, e." May pakamot ulong sabi niya.


Kaya pala panay igik niya kanina sa kotse kasi dito niya kami dadalhin. Iisang kotse lang din kasi ang gamit namin. Si Acerdel ang nagmaneho at sa backseat naman ako nakaupo. And guess where Darren and Vien sit? Pinilit lang naman nilang pagkasyahin ang mga sarili sa passenger seat kasi unfair naman daw kung ang isa sakanila ay makakatabi ako. Mga abnormal talaga.

"Did you plan about this?"

"No, I didn't. Sinabihan ko na kayo na huwag ng magbihis pero di kayo nakinig sa akin."


"Idiot. Dapat sinabi mong dito mo kami dadalhin."

"Dapat sinabi mong hindi kami magformal attire."

My Phenomenal BodyguardWhere stories live. Discover now