Chapter 5- Reincarnated or not?

150 38 192
                                    

Habang nasa kwarto ng kaniyang Lola Dita si Irene, tinititigan niyang maigi ang litrato ng kaniyang lola sa tuhod na si Carlota.

"Buti natuwid ang buhok mo, apo. Namana mo kasi pagiging kulot sa pamilya ng papa mo. Ngayon, kamukhang-kamukha mo na talaga ang Lola Carlota mo." Umupo ang matanda sa tabi ni Irene at hinaplos ang buhok nito.

"A-ano po bang nangyari sa kaniya? Parang ang aga naman niyang namatay?

"Pinatay siya ng isang bampira."
Nagulat si Irene sa narinig.

"B-bampira? Totoo ang mga bampira?"

"Totoo ang kwento sa akin ng Lolo Carlos mo. Sa katunayan nga, noong panahon ng mga Hapon, may kaibigan siyang bampira, ngunit hindi ito umiinom ng dugo ng tao at nakasama na siya. Sa tagal ng panahon, hindi ko na matandaan ang pangalan niya. Napakabuti niya at ang iba pa niyang mga kasama. Hindi ako makalapit sa kaniya dahil sa takot ko sa mga dala-dala nilang mga bayoneta, pero ang Lola Dana mo, hindi natatakot, kaya mas naging malapit sa kaniya ang kapatid ko. Ang dagdag pa ng lolo mo, naging manliligaw ni Lola Carlota mo ang bampirang iyon."

"Nagkatuluyan ba silang dalawa n'ung bampira bago siya patayin o kaya naging sila?" Umiling ang matanda kaya nadismaya si Irene. "Hala, bakit? Masyado bang pihikan si Lola?"

"Oo, pero pakiramdam ng Lolo Carlos mo, gusto niya rin ang bampirang iyon at hindi siya naniniwalang hindi."

"Tsk! Sayang naman, hindi sila nagkatuluyan!"

Biglang kumatok sa pinto si Daniel sabay bumukas ito.

"Ate, nagyayaya si Yelena sa labas. Manunuod daw tayo ng Dragon Dance pagkatapos kumain ng tanghalian at saka nagtatawag na rin si Papa, kakain na daw tayo.”

"Sige, lalabas na ako." Ipinatong ni Irene sa kama ang litrato ni Carlota.

"Tara na, lola. Kumain na tayo!"


•••

Dalawang gabi ang nakakaraan, nag-eedit ng kaniyang video ang isang babaeng video blogger nang may kumatok sa kaniyang unit sa isang condominium. Itinigil niya ang kaniyang ginagawa para tignan kung sino ang kumakatok sa pamamagitan ng CCTV, pero wala namang tao sa labas kaya bumalik siya sa kaniyang kwarto para ituloy ang gagawin.

Pagkasara niya ng pinto, may kumatok na naman ulit kaya siya lumabas para tignan ulit pero wala namang tao sa labas. Nang magdesisyon na siyang bumalik sa kaniyang kwarto saka may tumakip sa kaniyang bibig. Magpupumiglas na sana siya ngunit, huli na ang lahat dahil nakagat na nito ang kaniyang leeg at inubos ang kaniyang dugo sa katawan.

Matapos ang dalawang araw, dumating ang kaniyang mga magulang para bisitahin siya. Katok sila ng katok pero walang sumasagot, kaya napagpasyahan nilang tumawag ng security para buksan ang pinto gamit ang duplicate key card.

Nanlaki ang mga mata nila na nakasabit ang katawan ng babae na may tali ito sa leeg na lubid at wala ng buhay. Iyak na lang ang sagot ng mga magulang nito. Samantalang tumawag na ng paramedics at pulis ang security ng condo para maialis ang bangkay na nakasabit.

Dumating naman sa condominium sa Binondo si Eduardo kung saan siya ang may-ari. Lumabas siya sa kaniyang kotse para tignan ito.

"Ang dati kong mansyon na pinasabog ng mga Hapon, ngayon isang condominium na."

Paglingon niya ay may mga pumaradang mga ambulansya at mga mobil ng pulis. Nagtaka siya kung bakit, kaya nilapitan niya ang isa sa mga pulis.

"Anong problema?" tanong ni Eduardo.

The Vampire's WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon