Chapter 9 - Decided To Love You

93 11 58
                                    

"Ano? Malamig ba? Mas deserve mo 'yan, b*tch! Naalala na kita, ikaw 'yung nam-bully sa akin nu'ng high school. Tapos ginamit mo ang impluwensya ng pamilya mo para ako ang ma-kick out sa school! Kulang pa ba?"

Kukunin na sana ni Irene ang tubig na nasa isang kopita pero inawat na siya ni Eduardo. Nagtaka siya sa ikinilos ng binata, pero bumulong ito sa kaniya. "Ako na ang bahala rito." Sabay ningitian ang dalaga at hinawakan ang kamay nito.

"Umalis ka na rito. Huwag ka nang manggulo pa," malumanay na saad ni Eduardo, saka dumating ang mga taga security at pumuwesto sa likod ni Sarah.

Nakita ni Sarah na hawak ni Eduardo ang kamay ni Irene, kaya nag-walk out siya sa inis pero nakasunod pa rin sa kaniya ang mga taga-security. Nagpalakpakan naman ang mga tao sa venue. Napatingin din si Irene sa kaniyang kamay na hawak pala ni Eduardo.

"Fabio, may inireserba akong kwarto para kina Irene at Sola. Dalhan mo siya ng pamalit na damit doon." Utos ni Eduardo.

"Opo, Señor," sagot ni Fabio.

"Sola, ikaw na ang bahala kay Irene. Magpahinga na kayong dalawa sa inireserba kong kwarto para sa inyong dalawa."

"Thank you, Sir Eduardo. Ako na ang bahala rito kay Irene!" magiliw na saad ni Sola.

"Maraming salamat sa iyo, Eduardo. Sobra-sobra na itong naitulong mo sa akin. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa iyo," wika naman ni Irene. Nagulat siya dahil may ala-ala ni Carlota na pumasok sa kaniyang isip. Naalala niya na ganitong-ganito rin ang sinabi ni Carlota kay Eduardo.

"Walang anuman 'yon, Irene. Sige na. May speech pa ako, pagkatapos pupuntahan kita doon sa kwarto ninyo."

"Salamat ulit."

Ngumiti si Eduardo pagkatapos ay papunta sina Irene, Fabio at Sola sa niriserbang nitong kwarto.


•••

Pagkalabas naman ni Sarah sa labas ng event, pumunta siya sa kaniyang nakaparadang kotse. Binuksan niya ang pinto ng kotse saka niya ibinato ang hawak niyang purse papunta sa loob dahil sa inis.

"Buwisit!"

Napansin niya na nasa likod pa rin niya ang mga guwardya.

"Anong tinitingin-tingin ninyo riyan? Nasa labas na ako ng hotel na basang-basa! Alis na!"

Pagkaalis ng mga guwardya, dali-dali siyang pumasok sa driver's seat at gigil na gigil niyang pinaghahampas ang manibela ng kaniyang kotse.

"May araw ka rin, Irene Santos!"


•••

Sa loob ng elevator ng hotel, nag-uusap sina Irene, Sola at Fabio.

"Ang galing mo, Ms. Irene! Ipinahiya mo si Ms. Campos!" hangang turan ni Fabio.

"Buwisit siya eh! Sino bang may sabi sa kaniya na buhusan ako ng champagne?" sagot ni Irene.

"Ang galing mo nga! Ibinuhos mo talaga 'yung isang bucket ng ice cubes. Nawala tuloy ang tama ng alak sa kaniya!" Dagdag pa ni Fabio.

"Lahat ba ng bampira nalalasing?" tanong ni Sola.

"Ang mga bampirang umiinom ng dugo ng tao lang mga nalalasing sa alak. Kaming mga umiinom ng dugo ng hayop hindi," sagot ni Fabio.

The Vampire's WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon