Chapter 13 - Our First Day

120 36 217
                                    

Sa mansyon ng mga Campos, nasa silid si Agara at naninigarilyo gamit ang pipa na may lamang tabako, kausap ang isang tauhan ni Jacinto. 

"Gusto kong bigyan mo ako ng kopya ng nakalap ninyong impormasyon tungkol sa babaeng pulis na iyon!" maotoridad na utos ni Agara sabay buga ng usok.

"Opo, Madame!" Sabay alis ng mga tauhan ni Jacinto.

Naalala bigla ni Agara ang mga nangyari sa warehouse kung saan ginamitan ni Irene ng telekenesis si Jacinto.

"Marunong siyang gumamit ng telekinesis." Napatayo si Agara sa kanyang upuan at naglakad-lakad sa kanyang silid. "Malakas ang kutob ko na siya talaga ang apo ko. Kaso nasa panig siya ni Eduardo Yanzon. Kailangan ko siyang pumanig sa akin. Mapapakinabangan ko ang lakas niya para patayin si Eduardo Yanzon. Doon lang ako matatahimik kapag wala na nang tuluyan ang lahi ni Gani." Naging kulay lila ang kanyang mga mata at napangisi. 

•••

Sa opisina naman ng Red Eyed Media & Enterprise, nakita ni Sarah na lumabas ng opisina ang kanyang ama kaya, dali-dali siyang pumasok sa loob para tignan ang nakita niya na hawak na folder ng tauhan nito. 

Pagpasok niya sa loob, isa-isa niyang pinagtitignan ang mga folder sa mesa hanggang sa nakita niya ang kanyang pakay. Binuklat niya iyon at nakita ang mga impormasyon tungkol kay Irene. 

"Puro kay Irene 'to ah!" 

Naalala niya noong dumating ang kanyang amang si Jacinto at lolang si Agara sa mansyon. Hindi niya sinasadyang marinig ang mga pinag-uusapan ng mga ito nang papalabas na siya sa kwarto. Binuksan niya ng konting-konti ang pinto.

"Paanong naging bampira ang babaeng 'yon? May nalahian ka bang tao noon na hindi ko alam?" tanong ni Agara kay Jacinto. 

"Imposible! Hindi kaya... Teka! Huwag akong mag-isip ng mga bagay na hindi sigurado," sabi ni Sarah sa sarili at dali-dali rin siyang lumabas sa opisina ng ama para bumalik sa kanyang opisina.

Agad niyang isinara ang pinto pagpasok niya sa kanyang opisina. "Kung magiging kapatid ko ang babaeng 'yon, papatayin ko siya. Hindi ako papayag!" Napakuyom siya ng palad.

•••

Sa Crame naman, sabay na lumabas sina Tyronne at Sola nang matapos ang shift nila. Nag-inat si Tyronne. 

"Buti naman naayos na ang kaso ni Sir Eduardo, baka bukas o sa makalawa, aarestuhin si Mr. Jacinto Campos ng mga pulis. Pero nagulat talaga ako roon sa balita noong isang araw na inaresto si Sir Eduardo. Hindi man lang siya hinayaang makakuha ng abogado niya," saad ni Sola. 

"Oo nga, kahit ako nagulat din nu'ng tinawagan ako ni Chief. Nasermunan pa ako nang 'di oras kaya pumunta ako rito agad," sagot naman ni Tyronne. 

"Tyronne, huwag mo sanang mamasamain ang tanong ko ah. Okay lang ba sa'yo na laging magkasama sina Sir Eduardo at Irene?" tanong ni Sola na ikinagulat ng binatang pulis kaya hindi na ito makasagot. 

"Nahalata ko lang kasi eh... Huwag kang mag-alala, hindi ko sasabihin kay Irene. Matagal ko na kasing nahahalata na may gusto ka sa kanya mula pa nu'ng high school pa tayo." Natawa si Sola. 

"Alam ko rin na hindi ka aamin." Napabuntong-hininga si Sola. "Trenta anyos ka na pero wala pa akong nababalitaan na naging girlfriend mo."

The Vampire's WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon