Chapter 11 - The Abduction

219 67 435
                                    

Nakita ni Jacinto si Irene na lumabas ng police station.

"Bingo!"

Agad siyang naglagay ang face mask, binuksan ang aircon na may nakalagay na pambango na may halong pampatulog at ipinaandar ang taxi na kanyang minamaneho at ipinarada sa nagpapara na si Irene. Agad ding pumasok sa loob ang dalaga.

"Sa Crame po," saad ni Irene.

Tinawagan agad ni Irene si Tyronne.

"Sana sagutin mo, Tyronne!"

At nasagot na ni Tyronne ang tawag ni Irene. "Hello!"

"Hello! Tyronne, kanina pa kita tinatawagan! Nasaan ka ba?" inis na tanong ni Irene. Hindi niya napansin na pinindot ni Jacinto ang nakakabit na pampatulog sa aircon.

"Irene, nandito ako sa Crame. Tinawagan ako ni Chief. Ang sabi mali daw ang report natin dahil si Eduardo raw ang pumatay. Hindi raw tayo nag-iimbestiga ng maayos. Malakas daw ang ebidensya na si Eduardo Yanzon ang pumapatay at hindi si Jacinto Campos!"

"Ha? Paano nangyari 'yon? May mga ebidensya tayo ah! Lalo na 'yung mga CCTV footages, at saka 'yung nasa log book ng condominium!" Napasapo sa noo si Irene.

"Pakiramdam ko, pakana ito ni Jacinto Campos. Sabi kasi ni Eduardo, may nag-espiya rito noong nandito tayo at may nang-inside job sa bahay ni Capt. Dominguez. Siguradong may nag-forward ng report mo kay Jacinto!"

"Tsk! Buwisit na 'yan!" Biglang nakaramdam si Irene ng pagkahilo.

"Bilisan mo at pumunta ka na rito sa Crame, Irene." Nagtaka si Tyronne kung bakit hindi na sumagot si Irene. "Irene?" Hinintay niyang sumagot ang dalaga pero wala siyang narinig dahil wala nang malay ang dalaga sa loob ng taxi. "Irene!"

Nilingon ni Jacinto ang walang malay na dalaga at tinanggal ang mask sabay ngisi. Tinanggal niya rin ang pabango na may halong pampatulog sa aircon.

"Napakabagal talaga ni Eduardo kahit kailan..." Napailing ang bampira at naging kulay pula ang kanyang mga mata saka pinaandar ang kotse.

•••

Sa Crame, sa opisina ni Tyronne, hindi mapakali ang binatang pulis, kaya dali-dali niyang kinuha ang tracking device para malaman niya kung saan na si Irene, dahil sa GPS ng cellphone ng dalaga. Nakita niya na tumigil ito sa isang warehouse.

"Tong Uk Warehouse?"

Dali-dali niyang hinanap ito sa Google sa kanyang computer at nakita niya na isa ito sa pagmamay-ari ng mga Campos.

"Lagot na!"

Dali-dali niyang kinuha ang kanyang cellphone para tawagan ang ama at buti sinagot ito agad.

"Papa!"

"Oh! Bakit napatawag ka? Anong ginawa mo? Baka sinabi mo na kay Irene ang totoo?" tanong ni Arsenio mula sa kabilang linya.

"Papa, makinig ka muna! Mukhang kinidnap na ni Jacinto si Irene." Napasapo sa noo si Tyronne. "Tapos si Eduardo, mukhang kalaboso pa! Dito siya sa Crame ikukulong dahil high profile case ito, hangga't hindi pa tapos ang imbestigasyon."

Napahampas si Arsenio sa kanyang mesa at natahimik saglit.

"Kausapin mo si Eduardo riyan kapag nakarating na siya riyan. Sigurado akong may maiisip siyang paraan. Si Eduardo pa! Napaka-witty niyan! Papuntahin mo rin 'yung mga alalay niya riyan."

"Opo, Papa."

Pagkaputol ng linya, lumabas kaagad siya ng opisina at nakasalubong niya agad ang mga pulis na inieskortan si Eduardo. Nakaramdam siya bigla ng awa nang makita niya ang posas sa kamay nito.

The Vampire's WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon