"Sumakay ka na." Malumanay na utos ni Eduardo.
"Eduardo, may gusto lang akong malaman bago tayo umalis," saad ni Irene kaya napatingin ang binata sa kaniya.
"Ano 'yon?"
"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ko ikukwento sa 'yo. Kasi napapanaginipan ko lagi ang Lola Carlota ko kasama ka. Kung hindi naman, ako ang nasa lugar ni Lola Carlota. Nagsimula 'to noong nakita ko kayo sa parking lot ng TV station ninyo. Tapos, kanina roon sa apartment noong nasalo ninyo ako, parang may mga memories ako na pumapasok sa utak ko na kasama kayo pero, noong panahon pa ng mga Amerikano."
Nagulat si Eduardo sa narinig mula kay Irene.
"Ang weird lang. At saka, bakit kasama kayo? May connection ba kayo ng Lola Carlota ko? Sa tagal ng panahon mo nang nabubuhay, for sure, mayroon talaga. M-meron ba talaga?" Dagdag pa ni Irene.
Napabuntong-hininga si Eduardo. "Oo, kilala ko siya, dahil niligawan ko siya noon. Napatay lang siya ni Jacinto kaya hindi kami nagkatuluyan."
Nagulat si Irene sa narinig. "OMG! Totoo?"
Tumango si Eduardo. "Nakilala ko siya sa tindahan kung saan nakatirik ang mall na ito."
Lalong na-shock si Irene sa narinig kaya natawa si Eduardo sa kaniyang reaksyon.
"Ikaw ba 'yung naglalagay ng mga bulaklak sa musuleyo namin?" Tango lang ulit ang sagot ni Eduardo sa tanong ng dalaga kaya lalo itong nagulat.
"Tara na! Umangkas ka na sa akin. Huwag kang mag-alala, marunong akong magmotor, saka hindi ko naman sisirain ang motor mo. Kapag nasira, akong bahala."
"Okay."
Umangkas na si Irene sa motor at humawak sa magkabilang bahagi ng baywang ni Eduardo. Kapwa sila palihim na kinikilig.
Habang binabagtas nila ang daan, nagtataka si Irene kung bakit iba na ang dinadaanan nila.
"Hindi na ito 'yung daan papunta sa apartment ah! Saan mo ako dadalhin?"
Tumigil sa pagmamaneho ng motor si Eduardo. "Dadalhin kita sa mansyon ko."
"Ha? B-bakit?" takang tanong ni Irene.
"Kumain muna tayo."
"Ha?" Biglang kinabahan si Irene, sabay andar ulit ng motor. Biglang nakaisip si Irene ng hindi maganda. "Wait! Huwag niyang sabihing... Teka! Teka! Ang dumi ng utak mo kahit kailan, Irene! Tigilan mo 'yan! Kumalma ka lang. Hindi naman niya siguro pagsasamantalahan ang karupukan ko pagdating sa kaniya, no?"
At nang nakarating sila mansyon, itinigil ni Eduardo ang motor.
"Nandito na tayo."
"Talaga? Nandito na tayo?"
Tango lang ang sagot ni Eduardo. "Nandito na tayo."
Namangha si Irene sa nakita, lalo na nang otomatikong bumukas ang gate. Pumasok na ang dalawa gamit pa rin ang motor.
Pagkaparada ng motor, tinanggal nila ang kanilang mga helmet at nauna nang bumaba si Irene sunod si Eduardo. Isinabit nilang dalawa sa side mirror ang kanilang mga helmet.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Woman
VampirosThe first installment of THE IMMORTALS SERIES!!! Eduardo Yanzon is a vegetarian vampire who lived for 130 years. During his existence, he faces grief due to his love ones' unexpected passing. Until he meets Irene Santos, a nerd and clumsy but free...