Chapter 10 - Finding the Dhampir Child

326 92 699
                                    

Kinaumagahan, habang papunta ang mag-ina sa eskwelahan, napadaan sila sa bakanteng lote. Ngunit laking pagtataka nila kung bakit may naamoy silang masasangsang na parang amoy ng nabubulok.

Napatakip sila ng ilong sa sobrang sangsang ng amoy pero habang naglalakad sila papaalis sa lugar, namataan nilang may limang bangkay ng babae na basta na lamang itinapon sa lugar. Kaya tinakpan na lang ng babae ang mata ng anak at agad umalis sa lugar para ihatid sa eskwela ang bata.

Pagdating sa eskwelahan, hindi mapakali ang bata sa nakita nito sa bakanteng lote.

"Mama, i-report natin sa pulis 'yung nakita natin sa bakanteng lote. Kawawa 'yung mga tao roon, patay na," saad ng bata at bigla itong umiyak.

"Tahan na, anak. Pupunta ako sa police station mamaya ha," sagot ng babae saka lumapit ang guro ng bata.

"Bakit ka umiiyak? Ano pong nangyari, Misis?" tanong ng guro.

"May nakita kasi kaming mga bangkay ng limang babae sa isang bakanteng lote malapit dito sa school," sagot ng babae kaya tinignan siya ng mga magulang na nakapaligid. Nagulantang ang guro sa narinig.

•••

Pagkatapos kumain ng agahan, agad na nag-ayos sina Irene at Eduardo para pumunta ng Binondo, samantalang si Tyronne naman sa kaniyang mga magulang.

Paglabas ni Tyronne para sumakay sa motor ay siyang labas nila Irene at Eduardo para sumakay sa kotse. Tinignan niya ang dalawa.

"Mag-iingat ka sa biyahe, Tyronne!" turan ni Irene.

"Salamat! Kayo rin," sagot ni Tyronne saka pinaandar ang motor at umalis.

Ipinagbukas ni Eduardo si Irene ng pinto ng kotse saka sumakay. Pag-alis ng kotse ni Eduardo, lumabas si Baste.

"Hay... Pag-ibig nga naman. Akalain mong may gusto rin itong si Tyronne kay Ms. Irene. Ayaw lang umamin kasi, masisira ang pagkakaibigan nilang dalawa ni Ms. Irene na ang gusto si Señor at si Señor naman, gusto rin 'tong si Ms. Irene. Tsk! Buti na lang wala sa isip ko ang mga ganyang bagay! Magiging kumplikado lang ang buhay ko!"

Pagpasok niya sa loob, nakita niya sina Sola at Fabio na nasa magkabilang dulo ng sofa at tahimik na nanunuod ng TV. Napailing siya at nagpalatak.

"Heto pa ang isa! Gusto ang isa't-isa, ayaw pang umamin..." Napasapo siya sa kanyang noo sa inis. "Mukhang ako yata ang sasakit ang ulo sa mga ito!"

•••

Habang kumakain ng tanghalian sina Mino, Daniel at Yelena, nanunuod sila ng balita sa TV.

"Limang dalaga, iniwan na walang buhay sa isang bakanteng lote malapit sa eskwelahan. Base sa otopsiya, wala nang dugo ang mga biktima at may mga tusok ng injection sa magkabilang braso nito..."

Napangiwi ang tatlo lalo na si Yelena sa mga nakikita sa TV.

"Ano ba 'yan! Kaloka ang mga balita ngayon! Kung hindi kinakagat sa leeg, tinutusok ng karayom! Di ba, nasa crime division ang ate mo, Daniel?" tanong ni Yelena.

"Oo, pero hindi ako masyadong nakikielam sa mga kasong hawak nila ni Kuya Tyronne. Confidential kasi 'yon eh. Ang alam kong hawak nila 'yung sa gwardya na pinatay sa Binondo Mall. 'Yung iba, hindi ko na alam," sagot ni Daniel at seryosong nanunuod si Mino, napansin agad ito ni Yelena.

The Vampire's WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon