Nasa loob ng audition room si Eduardo kasama ang dalawa pang judges na mga CEO rin ng mga entertainment companies na sina Mencio Samson ng MS Entertaiment at Patricio Javier ng PGJ Entertainment para mamili ng magiging contestant ng Search for the Next Idol.
May pumasok na isang dalaga na pumukaw sa atensyon ng bampirang CEO. Tahimik lang siyang nakatingin sa dalaga, habang kinakausap ito ng dalawa pang hurado dahil nakikita niya si Irene sa katauhan nito lalo na noong kumanta at sumayaw ito ng "Tala" ni Sarah Geronimo.
Pagkatapos nitong magperform, nagpalakpakan ang dalawang hurado, kaya nagising mula sa kaniyang imahinasyon si Eduardo at nakita niyang hindi si Irene ang nasa stage. Napatingin sa kaniya ang katabing hurado na si Mr. Mencio Samson mula sa kaniyang kaliwa kaya napalakpak din siya.
"Wow! Napakagaling ng performance mo, parang professional, pang world class. Kayang-kaya mong sumayaw at kumanta ng sabay," wika ng may-ari ng PGJ Entertaiment, "Para sa akin, you're IN!"
"Salamat po!" tuwang sagot ng dalaga.
"Para sa akin, napaka-stable ng boses mo. Bibihira sa isang baguhang singer ang nakakagawa niyan. 'Yung ibang singer na matatagal na hinihingal pag may song and dance number sa stage. Kaya hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, IN ka sa akin!" sabat naman ng may-ari ng MS Entertainment sabay tingin kay Eduardo kaya napahawak agad sa kaniyang mic.
"Lahat ng gusto kong sabihin, nasabi na nila kaya, you're IN!"
"Maraming-maraming salamat po!" tuwang saad ng dalagang contestant.
Napainom agad ng tubig si Eduardo at napabuntong-hininga. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit si Irene ang laman ng utak niya ngayon.
"Sir Eduardo, are you okay?" alalang tanong may-ari ng MS Entertainment.
"Don't worry, I'm okay, Sir!" sagot ni Eduardo.
"Are you sure?"
"Yes, sure po akong okay lang ako."
Pagkatapos ng audition, nanlaki ang mga mata ni Eduardo, dahil puro mukha ni Irene ang nakikita niya mula sa mga babaeng pumunta sa audition. Kinusot-kusot niya ang kaniyang mga mata at naging normal na ang kaniyang paningin pagkatapos.
•••Pagdating ng alas diyes ng gabi, nakauwi na ang mga empleyado ng Binondo Mall samantalang, nasa parking lot na ang dalawang pulis para umuwi na rin. Habang naglalakad papunta sa kanilang mga nakaparadang mga motor, napansin ni Tyronne na kanina pa balisa si Irene.
"Hoy!" Siniko ni Tyronne ang braso ni Irene. "Anong nangyayari sa 'yo? Kanina ka pa balisa noong nandoon tayo sa control room ng mall ah?"
"'Yun kasi 'yung nakita ko sa panaginip ko. Kung anong nakita ko sa CCTV, tugmang-tugma talaga. Ilang taon na akong pulis pero, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito."
Hinawakan ni Tyronne si Irene sa magkabilang balikat saka iniharap. "Hoy! Umayos ka nga. Mag-focus ka! Saka baka nagkataon lang na kaparehas ng panaginip mo roon sa nangyari sa lady guard, at saka hindi lahat ng panaginip totoo."
Napabuntong-hininga si Irene at nagpatuloy sa paglalakad kaya sinundan siya ni Tyronne papunta kanilang mga motor. Hindi nila alam na may isang pares ng pulang mata ang nakamasid sa kanila na naghihintay ng susunod na biktima.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Woman
VampireThe first installment of THE IMMORTALS SERIES!!! Eduardo Yanzon is a vegetarian vampire who lived for 130 years. During his existence, he faces grief due to his love ones' unexpected passing. Until he meets Irene Santos, a nerd and clumsy but free...