Habang papunta sina Eduardo, Fabio at Baste sa parking lot, may narinig silang mga putok ng baril habang sakay ng elevator.
"Saan galing 'yon?" tanong ni Baste.
"Mukhang galing sa parking lot yata iyon ah!" sagot ni Fabio.
Tahimik lang na nakikiramdam si Eduardo. Pagbukas ng elevator sa parking lot, lumabas ang tatlo.
"Diyan lang kayong dalawa." Mabilis na umalis si Eduardo papunta sa kaliwang bahagi ng parking lot kung saan niya nakita na may sinasakal ang isa sa mga tauhan ni Jacinto.
Mabilis pa sa kidlat niyang sinugod ang bampira sa pamamagitan ng pagsuntok sa kaliwang pisngi nito at nabitawan nito si Irene. Ubo nang ubo ang dalaga pagkatapos.
"Sino kang tampalasan ka?" galit na tanong ng bampira.
Nang mahimasmasan na si Irene, laking gulat siya sa kaniyang nakita. "S-sir Eduardo?"
"Ako 'yung tampalasan na 'yon, pero mas tampalasan ka dahil pumapatay ka ng tao!" turan ni Eduardo sabay naging kulay ginto ang kanyang mga mata.
"Ha! Balang araw ay titikim ka rin ng dugo ng tao!" Tumawa ang bampira.
Sing bilis ng kidlat nitong nilapitan para sakalin ang bampira sabay itinaas saka sinaksak ito sa dibdib gamit ang maliit na kutsilyo na galing sa kanyang tagiliran. Naging abo ang napatay niyang bampira.
Natulala si Irene sa kanyang nakita habang nananatili siyang nakasalampak sa sahig. Nakita niya rin ang ganda ng kulay ng mga mata ng kaniyang hinahangaang binata.
"Wow! Ang galing niya, pero parang pamilyar sa aking ang kulay ng mga mata niya..." pabulong na saad ni Irene.
"Miss, okay ka lang ba?" tanong ni Eduardo habang papalapit sa tulalang dalaga.
"Gosh! Ang gwapo niya talaga. Teka! Wait! Nahihilo ako..." Nahimatay bigla ang dalaga dahil sa kagwapuhan ng lalaki kaya dinama ni Eduardo ang pulso nito at daluyan ng hangin sa ilong. Niyugyog niya rin ito.
"Miss... Miss... Miss!"
Kaya kinarga siya agad ni Eduardo para dalhin sa clinic ng kanilang kumpanya at mabilis din silang nakapunta doon. Binati siya ng company nurse na isa ring bampira na hindi umiinom ng dugo ng tao.
"Good evening, Señor!" Tumayo ito para itabig ang kurtina at inihiga si Irene sa kama.
"Good evening din! Pakitignan mo siya, please. May sumugod kasi sa kaniya na bampira tapos bigla siyang hinimatay eh."
"Sí, Señor!" magiliw na sagot ng nurse. Nilapitan niya si Irene at tinanggal ang salamin nito saka ipinatong sa bedside table. "Mukha ngang kakagaling mo lang sa labanan, Señor. Nagbago kasi ang kulay ng mga mata ninyo, eh."
"Ah, oo!" Ningitan ni Eduardo ang nurse. Pagtingin niya sa mukha ni Irene, may naramdaman agad siya na pamilyar at nakunot ang kanyang noo. Naamoy niya rin ang dugo nito.
"Kahawig niya si Carlota, pero ibang-iba ito kay Carlota..."
Umiwas siya agad ng tingin sa walang malay na dalaga at napansin niya ang dalang cellphone nito na may kasamang ID sa likod na tinanggal ng nurse mula sa bulsa nito saka niya kinuha para tignan.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Woman
VampireThe first installment of THE IMMORTALS SERIES!!! Eduardo Yanzon is a vegetarian vampire who lived for 130 years. During his existence, he faces grief due to his love ones' unexpected passing. Until he meets Irene Santos, a nerd and clumsy but free...