Chapter 12 - A Boy From The Future

135 45 235
                                    

"Tatlo laban sa isa..." Lalong lumapit si Jacinto. "Iputok ninyo kaya 'yang baril ninyo sa ulo ko! Lumalapit na ako oh!"

Biglang tumalsik ang mag-ama at tumama sa pader ng warehouse. Tumawa nang tumawa si Jacinto.

"Arsenio! Tyronne!" pag-aalalang turan ni Eduardo.

Pasimpleng sumulyap sa langit kung saan niya nakitang kulay pula na ang buwan. Tinignan niya rin ang kanyang kamay na nakatakip sa sugat ni Irene sa likod. Nakita niya ang bala sa kanyang palad at wala nang tumutulong dugo mula sa sugat.

Naalala ni Eduardo ang balita sa radyo ng kanyang sasakyan noong hinatid niya sa bahay si Irene.

"Magkakaroon ng total lunar eclipse bukas sa ganap na alas dos ng madaling araw..."

"May lunar eclipse pala bukas. Gusto kong makita 'yon kasi mas safe siya sa solar eclipse. Pero sana gising pa ako sa mga oras na yan." Ngumiti si Irene.

"Gigisingin kita. Tatawagan kita," turan ni Eduardo.

"Baka nagpapahinga ka na sa mga oras na 'yon. Baka maabala kita."

"Hindi naman..."

Naputol ang pagbabalik-tanaw ni Eduardo dahil tumalsik siya pero nakalapag siya ng ayos sa lupa. Naiwan si Irene na nakahandusay sa semento. Muling tumawa si Jacinto.

"I-Irene..." usal ni Eduardo nang nakita niyang bumangon si Irene.

Lalong nagimbal si Jacinto nang nakita ang kulay itim ang buong mata ng dalaga sabay naglutangan ang mga piraso ng kahoy at metal na may patusok sa dulo. Napaatras tuloy si Jacinto dahil papunta sa kanya ang mga ito. Hindi naman makapaniwala si Eduardo sa mga eksenang kanyang nakikita.

Nagkamalay na ang mag-amang taong lobo. Susugod sana ang mga ito, pero pinigilan ni Eduardo. Napakunot ang noo ng dalawa saka siya umiling.

Patuloy na iniilagan ni Jacinto ang mga kahoy at metal ngunit, nadadaplisan siya ng mga ito sa iba't-ibang bahagi ng katawan. Hanggang sa tumarak ang isa sa kanyang damit sa bahagi ng kanyang balikat, at tumusok ito papunta sa isang cargo truck. Gigil niyang sinubukang tanggalin ito pero, nagkasunud-sunod na ang pagtusok nito sa iba't-ibang bahagi ng kanyang damit sa magkabilang braso, tagiliran, hita at binti.

Nanlaki ang mga mata nila nang may isang malaking kahoy na may patusok ang dulo na kasing laki ng isang dos por dos na kahoy na nagbabadyang tumusok sa puso ni Jacinto.

"Katapusan ko na yata ito..." turan ni Jacinto sa sarili kaya napapikit na lang siya habang palapit ito sa kanya.

Ngunit may bigla siyang narinig na tunog ng sapatos na may takong. Bigla siyang dumilat sabay naging pira-piraso na ang kahoy na tatarak sana sa kanyang puso. Nainis na lumingon si Irene sa gumawa noon.

"Agara?" sabay na turan nina Eduardo at Arsenio na ipinagtaka ni Tyronne.

"Ina..." usal naman ni Jacinto.

Nagulat ang bampira nang nagkapira-piraso rin ang mga nakatusok sa damit niya at nakababa siya sa semento. Ibinuka na ni Agara ang hawak niyang pamaypay saka bilang tumalsik si Irene.

"Irene!" Mabilis na nasalo ni Eduardo ang dalaga saka nakalapag sila ng ayos patungo sa kinatatayuan ng mag-amang taong lobo.

Napansin naman ni Arsenio na malapit nang mawala ang pagkapula ng buwan at wala nang malay si Irene. Ngumingisi si Agara habang papunta ito sa pwesto nila Eduardo.

"Ikinagagalak ko kayong makitang muli, Eduardo at lalo na sa 'yo... Arsenio. Kumusta ka na?" Tumigil sa paglalakad ang babae. Unti-unting umaatras sila Eduardo.

The Vampire's WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon