Chapter 1 - The Vegetarian Vampire

526 105 923
                                    

1920

Malalim na ang gabi, natapos na ang dalawang babaeng kasambahay sa kanilang mga gawain, kaya napagpasyahan nilang pumunta sa ilog para maligo bago magpahinga

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Malalim na ang gabi, natapos na ang dalawang babaeng kasambahay sa kanilang mga gawain, kaya napagpasyahan nilang pumunta sa ilog para maligo bago magpahinga.

Lumusong ang isang babae sa tubig na hindi nila batid ang panganib na naghihintay sa kanila, dahil may mga matang nakamasid sa kanila. Isang gutom na nilalang na nangangailangan ng dugo para humaba ang kanilang buhay at maging malakas na higit pa sa isang tao.

Hindi na ito nag-atubili pa na sugurin ang mga dalagang nasa ilog para patayin dahil sa dugo nito. Mabilis nitong kinagat ang leeg ng isang babae habang nagpupumiglas ito at nagsisigaw.

Naistatwa naman sa nakita ang kasama ng babae saka dali-daling tumakbo paalis ng ilog. Lilingon na sana siya nang biglang may kumagat din sa kanyang leeg. Doon na niya nakitang wala nang buhay ang kasama.

Hilakbot siyang nagpupumiglas ngunit, nawawalan na siya ng lakas dahil mauubos na ang kanyang dugo sa kakasipsip ng isang nilalang at tuluyang nawalan ng buhay.

Iniwan na lang ng halimaw na may katawang-tao ang mga inosenteng babae na palutang-lutang na lang sa ilog matapos ubusin ang mga dugo nito sa katawan.

Kinaumagahan, nagising ang isang dalaga na takot na takot, pawisan dahil sa isang masamang panaginip. Napahawak siyang bigla sa kaniyang leeg.

"Panaginip lang pala. Akala ko’y totoo na."

Biglang may kumatok sa pintuan ng kaniyang kwarto.

"Señora Carlota, nakahanda na po ang inyong almusal," usal ng isa sa kaniyang kasambahay.

"Sige, ako ay lalabas na para kumain. Salamat!" sagot ni Carlota

Si Carlota Dee ay isang mestisang Intsik na panganay na anak ng isang negosyante na nagmamay-ari ng isang pagawaan ng suka sa Binondo at tubuhan sa Tarlac.

Lumaki siyang walang ina dahil sumakabilang buhay ito sa isang aksidente, samantalang ang kanyang ama naman ay namatay dahil sa Spanish flu isang taon ang nakalipas.

Silang dalawa na lang ng kaniyang nakababatang kapatid na lalaki ang natira. At dahil nag-aaral pa ito, siya ang nag-aasikaso sa negosyo ng kanilang mga magulang.

Sa kanyang edad na tatlumpung taon, wala pang nagiging nobyo si Carlota sa kabila ng kaniyang magandang mukha, maala-porselanang kutis, bilugang mga mata, matangos na ilong at makipot na mga labi.

Lahat ng kaniyang mga manliligaw ay kaniyang tinanggihan dahil gusto niyang makatapos ang kaniyang nakababatang kapatid na kasalukuyang nag-aaral sa isang unibersidad sa Maynila.

The Vampire's WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon