Pagdating ni Eduardo sa mansyon ng mga Dee, nadatnan niyang naka-upo sa hardin si Carlota habang nagbabasa ito ng libro. Napalingon ang dalaga saka siya nakita at lumapit sa binatang bampira.
"Naparito ka?"
"Nais ko sanang ibigay sa iyo itong mga bulaklak." Ibinigay ni Eduardo kay Carlota ang mga bulaklak.
"Maraming salamat, Eduardo. Paborito ko itong gumamela." tinanggap ni Carlota ang mga bulaklak.
"Ako din, paborito ko ang mga iyan. Iyan lang ang tanim kong bulaklak sa aking hardin." Ngumiti si Eduardo.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Carlota. Nais ko sanang umakyat ng ligaw sa iyo, dahil una pa lang kita ko sa iyo, napukaw ang aking atensyon at damdamin. Ngunit hindi kita pipilitin kung ayaw mo. Alam kong masyadong mabilis ngunit, maghihintay naman ako."
Napatingin si Carlota kay Eduardo.
"Huwag kang mag-alala, payag akong ligawan mo ako dahil, utang ko sa iyo ang buhay ko at alam kong malinis ang intensyon mo sa akin. Napakabuti mong bampira. Nag-almusal ka na ba?"
"Hindi pa."
"Sige, halika ka muna sa loob at mag-almusal."
Ngumiti si Eduardo at sumabay kay Carlota na pumasok sa mansyon. Dumiretso sila sa hapag-kainan at umupo. Habang inuutusan ni Carlota ang kanyang mga kasambahay, napukaw ang atensyon ni Eduardo sa isang iginuhit na larawan ng isang magandang babae na medyo kahawig ni Carlota.
Pagkaalis ng kanyang kasambahay, napansin niyang nakatingin ang binatang bampira sa larawan ng kanyang ina.
"Iyan ang aming ina na pumanaw dahil sa isang aksidente. Hanggang ngayon, hindi pa rin malinaw kung aksidente ba talaga ang nangyari o nagpakamatay ba siya o may nagtulak sa kanya." Biglang nalungkot si Carlota.
Napatigil naman si Eduardo sa narinig.
"Paumahin, hindi ko na dapat pinagmasdan ang iginuhit na larawan ng iyong ina. Ang akala ko, ikaw ang nasa larawan. Medyo magkahawig kasi kayong dalawa eh," sagot ni Eduardo.
"Nais mo bang ipasyal kita mamaya sa pamilihan, para nawala ang iyong nga agam-agam?" dagdag pa ng binatang bampira.
Ngumiti ang dalaga sa narinig.
Kinahapunan, nagpunta ang dalawa sa pamilihan para maipasyal ni Eduardo ang dalaga. Pinauna niya ito na maglakad biglang respeto. Napatigil siya nang makakita ng tindahan ng payneta. Gawa ito sa ginto na may disenyong bulaklak at nga maliliit na perlas. Hindi na siya nagdalawang-isip na bilhin iyon para ibigay kay Carlota.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Woman
VampireThe first installment of THE IMMORTALS SERIES!!! Eduardo Yanzon is a vegetarian vampire who lived for 130 years. During his existence, he faces grief due to his love ones' unexpected passing. Until he meets Irene Santos, a nerd and clumsy but free...