Chapter 3 - Meeting Irene

204 57 299
                                    

2020

Pagpatak ng alas dose ng madaling araw, lumabas na TV station ang isang babaeng segment producer ng isang news program. Papunta na siya sa parking lot ng building para sumakay sa kanyang kotse. Ang hindi niya alam, may mga mata na nakamasid sa kanya na uhaw na uhaw sa dugo.

Pagkalapit ng babae sa kotse ay may naramdaman siyang kakaiba sa paligid ngunit, binalewala na lang niya ito saka hinawakan ang pambukas ng pinto ng kaniyang kotse, pero tinakpan na ang kaniyang bibig at kinagat ang kaniyang leeg.

Pilit siyang nagpupumiglas, ngunit sadyang malakas ang halimaw na gustong sagapin lahat ng dugo niya sa katawan. Binitawan siya nito nang malagutan na siya ng hininga.

Matapos ang ilang oras, dumating ang may-ari ng sasakyan na katabi ng sasakyan ng segment producer. Mapatigil siya sa nang makita niya ang bangkay nito. Putlang-putla ito at nakadilat ang mga mata. Nanginginig niyang nilapitan ang babae at matagumpay niyang hinawakan ang pulsuhan nito ngunit, medyo matigas na at malamig ang kamay nito.

•••

Isang umaga, mag-isang umakyat sa bundok ng Makiling ang isang babaeng inspektor sa PNP na nagngangalang Irene Santos. Siya ay tatlumpung taong gulang na ngunit, wala pa siyang nagiging nobyo sa tanang buhay niya. Dahil sa pagod niya ay naupo siya sa ilalim ng isang puno para magpahinga.

Nang nakaupo na siya, may bigla siyang naramdamang kakaiba sa paligid kaya siya napatayo.

Lumingon-lingon siya sa paligid.
"Sino 'yan?" Napalunok siya. "Buwisit talaga! Kung kailan naman wala akong dalang baril!"

Napabuntong-hininga siya. "Sino ba naman kasi may sabing mag-isa akong mamundok dito? Tsk!" Napakamot siya ng ulo. "Hay! Irene, pulis ka. Wala kang dapat katakutan kahit na masasamang espirito o engkanto pa 'yan!"

Nagulat siya at napasigaw nang bigla siyang sakmalin ng isang nilalang na kawangis sa tao na may pangil at namumula ang mga mata nito. Susuntukin na niya sana ito ngunit, agad na nahawakan ng halimaw ang kanyang mga kamay.

Napapikit ang kanyang mga mata nang kakagatin na nito ang kanyang leeg, ngunit hindi natuloy dahil may pumana rito mula sa likuran ng halimaw saka naging abo. Nakahinga siya ng maluwag at napaupo siya pero nagtataka siya kung bakit nawala ang halimaw.

"Wew! Akala ko paglalamayan na ako, grabe! Pero bakit nawala bigla 'yung halimaw?" Pinagpagan at inayos ang kanyang kulot na buhok at ang kanyang salamin saka tumayo para pagpagan din ang kanyang damit, ngunit may papalapit sa kanya na isang makisig na lalaki na nakasakay sa kabayo at may hawak itong pana.

Tinititigan nitong maigi pero bigla siyang ginising ng kanyang kaibigan.
"Huy! Irene, gumising ka na may pasok pa tayo. Huy!"

Natulala na lang siya sa inis sa kaibigan, dahil hindi niya nakita ang mukha ng lalaki na nasa kanyang panaginip. Bumangon na lang siya.

"Ang galing mo talagang tumayming!" Napakamot si Irene sa kanyang ulo.

"Bakit naman? Maganda ba ang panaginip mo?" Pinindot ng kanyang kaibigang si Sola ang ilong ni Irene.

"Oo! Bruha ka talaga!" Inirapan ni Irene si Sola kaya natawa ito.

"Napanaginipan mo siguro ang dream boy mo? Pogi ba?" tanong ni Sola.

The Vampire's WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon