Chapter 24

1K 28 18
                                    


| Jealous |
___


"Mabuti at pumayag ang parents mo?"


Iyon ang halos tanong nilang lahat pagdating ko sa bahay ng mga Montero. Kompleto na kami at naghihintay nalang kaming maluto ang dinner na hinanda ni Pietro.


"Si Maggie nagpaalam para sa akin. Pumayag naman sila. Nasa good mood, eh."


Sa tingin ko hindi naman talaga sana sila papayag kay Maggie kung hindi dahil sa ginawa ni Hiro. Malaki ang naitulong ng pagpapanggap na ginagawa namin. Kahit kailan hindi naman sila pumayag na mag overnight ako. Ngayon lang.


"Sino 'yung naghatid sa'yo kanina? Hindi namin nakita masyado," tanong ni Theia.


"Kababata ko..." tipid ko sa kanilang sagot.


Nilubayan na rin naman nila ako ng tanong. Palihim nalang akong sumulyap kay Raven na nasa kabilang banda lang at umiinom, parang wala sa mood. Bigla ko tuloy naalala ang naging pag-uusap namin noong nakaraang araw kasama si Hiro...


"It's nice to finally meet you, Raven..." bati ni Hiro sabay lahad ng kamay. Tinanggap naman iyon ni Rave pero halata sa malalim niyang tingin na napipilitan lang siya ngayon.


Madilim ang paligid at tanging mga ilaw lang ng sasakyan ang nagbibigay liwanag sa amin ngayon. 


"I didn't know you're bringing someone, Ky." Raven looked at me with stern eyes.


Sinabi ko sa kanyang may pag-uusapan kaming dalawa kaya nakipagkita ako. Kaya ganoon nalang ang pagtataka niya nang makita si Hiro sa likuran ko.


"Hindi ako papayagan kung hindi ko sinabing sasama siya, Rave. Hindi alam nina Mommy ang totoong sadya ko kasi ang alam nila..." nag-alinlangan akong ipagpatuloy ang sasabihin ko dahil sa talas ng tingin ni Raven kay Hiro.


"Ang alam nila we went out for a date," Hiro continued.


Sarkastikong napatawa si Raven nang marahan.


"A date with my girlfriend?" he scoffed. "You wouldn't want to mess with me, dude. I don't find you funny," saad ni Rave sabay abot ng kamay ko at hinila ako palapit sa kanya.


"Rave wait. Hiro, can you leave us for a while?" pakiusap ko kay Hiro na agad niyang tinanguan.


"Sa sasakyan ako maghihintay."


Nang makalayo si Hiro ay saka ko lang hinarap si Raven ulit. Nakatagpo na ang kilay niya habang dinudungaw ako.


"Ano 'yon?" seryoso niyang tanong.


"Rave, nagpapanggap lang kami. We came up with the idea of pretending that we're dating para hindi na tayo paghinalaan ni M–"

Until the Last Leaf Falls (Montero Series #3) (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon