Chapter 50

2.3K 51 18
                                    


| Fall |

___


"Kychin! Oh my gosh!"


Hindi nagdalawang-isip si Kath na iwan ang glam team niya para salubungin kami ni Raven. She's still in her robe but I think she's almost done with the hair and make-up.


"I missed you! Thank you for coming," aniya habang nakayakap sa akin.


Mahigpit ko ring sinuklian ang yakap niya. "Wala akong choice. Binilhan mo na ako ng ticket, eh," pagbibiro ko na ikinatawa naman niya.


Dumungaw siya sa tiyan ko bago nag-angat sa akin ng tingin. "Hindi pa naman halata. Kaya pa 'yang itago kina Lola Karolina," aniya.


Napawi ang ngiti ko nang marinig ang pangalan ni Lola. I almost forgot she's gonna be here too.


"Oh? What's with the face? Don't mind her. Just be the Kyline that she didn't expect you to be," Kath advised.


Nagbihis na agad ago pagkatapos ng maikling reunion kasama si Kath. Si Raven ay nasa kabilang room na kasama ang ibang kalalakihan. I'm sure nagkita na rin sila ni Hiro ngayon doon. Inayusan din ako ng glam team ni Kath kaya nauna na raw ang mga lalaki sa simbahan. Raven sent me a message to inform me about it.


"Ammi!" pasigaw na tawag sa akin ni Kaleb.


Kakababa ko lang sa sasakyan at agad siyang tumakbo palapit sa akin. His shout snatched the attentions of some guests. Maging si Lola Karolina na nasa bunganga na ng simbahan ay napalingon din sa akin. Pero hindi ko muna iyon binigyang pansin.


"My baby boy..." I uttered while hugging Kaleb.


Sa sobrang higpit ng yakap niya, nahirapan na akong tumayo kaya sumayad sa sahig ang suot kong gown.


"I missed you so much," I added while playfully biting his left earlobe.


"I missed you too, Ammi."


Kumalas lang ako sa yakap niya nang mapansin si Daddy na lumapit din sa akin. Nasa gilid ko na si Raven nang makalapit si Daddy sa harapan ko.


"It's good to see you again here," he greeted.


Tipid akong ngumiti at tumango sa kanya. Hiningi ko rin ang kamay niya at binigay iyon para makapagmano ako.


"Thank you for taking care of him," I told Dad.


Masaya akong makitang maayos ang kalagayan ni Kaleb sa puder ni Daddy. Mas lalo kong napatunayan na natauhan na nga siya sa lahat. He's a changed man now... for good.


Tinawag kami ng organizer kaya sabay kaming naglakad paalis sa kinatatayuan. Hinawakan ko ang kamay ni Kaleb bago siya marahang hinila, pero nagtaka ako nang hindi ito gumalaw.

Until the Last Leaf Falls (Montero Series #3) (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon