| Hearing |
___
"Okay na ang back and forth plane ticket mo. Walang rason para hindi ka makauwi rito para sa kasal ko."
Titig na titig pa rin ako sa wedding invitation nina Hiro at Kath. Kakarating lang nito kaya binuksan ko na agad since katawag ko naman si Kathleen sa phone.
"Anong gagawin mo sa akin kung hindi ako pupunta?" pagbibiro ko na mabilis niyang inangalan.
"Aba! Hihilingin ko kay Lord na tatanda kang dalaga!" turo niya sa akin sa screen. Napatawa ako at napailing nalang bago muling binalik sa envelope ang wedding invitation.
"Bastos ka! Gusto kong magkapamilya, kaya sige pupunta ako," tumango ako sa kanya. Napangiwi pa ako sa talas ng tinig niya dahil sa pagtili.
"That's great! I'm excited! So, sino dadalhin mong date?" lumiwanag ang mata ni Kathleen habang hinihintay ang sagot ko.
Date? Kailangan ba ng date kapag dadalo ng kasal?
"Wala naman sa invitation na required magdala ng date," I hissed.
"Ang boring naman kung mag-isa kang pupunta rito! Isa pa, the whole family is gonna be here that time, Kychin. I'm just worried about you."
"I can handle myself, Kath. Kaya ko naman silang harapin. And one more thing, I'll be free that time. Wala na silang karapatan pang diktahan ako," I said as an assurance.
Sandaling napatahimik si Kath. "Are you sure the petition will be granted?" she asked, doubtful.
Malumanay lang akong ngumiti sa kanya. Kahit hindi ako nagsalita ay alam kong nakuha na niya ang ibig sabihin ng ngiting iyon.
"I'll be at your wedding," pagtapos ko sa pag-uusap namin.
Pagpatay ko ng phone ay siya ring pagkatok ni Nanay sa pinto kaya napalingon ako roon. Tamak ang mukha niya nang sinisilip ako.
"Anak, may naghahanap sa'yo sa ibaba." Pumasok siya at isinara ang pinto bago ako nilapitan. "May dalang bulaklak."
Kinutuban ako. May pangalan na isip ko. Tumango ako kay Nanay bago sinabing susunod ako. I checked myself in the mirror for a moment before I decided to go downstairs.
Sa itaas pa lang ay rinig ko na ang tumatawang boses ni Kaleb, parang may kausap at kalaro. Pagdating ko sa living room, saka ko napatunayan na hindi mali ang duda ko.
"Nico," I said to call his attention.
Mabilis tumayo si Niccolo at kinuha ang buoquet ng lilies. Tipid siyang ngumiti at sinalubong ako na papalapit sa kanila ng kapatid ko sa sofa.
BINABASA MO ANG
Until the Last Leaf Falls (Montero Series #3) (✔️)
RomantizmMontero Series #3 Love can set anyone free, but not for Kyline Chantelle Llera. As a sheltered girl, she's living with the fear of breaking her father's rules, and she's trying to find herself a place in the family she grew up in. She longs for a ki...