Chapter 10

1.2K 31 0
                                    

| Substitute |

___


"She's here, Mamá."


Sinalubong ko ng isang masayang ngiti si Lola pagkapasok ng bahay. Tuwid at maayos siyang nakaupo sa adjacent sofa habang seryosong nakatitig sa akin na papalapit sa kanya.


"Smile and be prim, mmkay?" mahinang bulong sa akin ni Mommy nang sinalubong niya ako.


Kabado akong lumapit at nagmano kay Lola Karolina. Mas tumingkad ang kanyang striktang ganda ngayon kahit may edad na. Hindi naging sagabal sa kanya ang malalaking hikaw at kwintas na halatang minana niya pa sa kanyang mga magulang dahil sa makaluma nitong itsura. She's like an old-sophisticated woman from the 19th century.


"How are you, Lola?" nakangiti ko sa kanyang tanong. Tipid na pagtango lang ang kanyang sinagot sa akin. "Y-You look lovely po..." kabado kong dagdag.


"Of course. I don't want to look crinkly and pasty-faced in front of the people. Edad lang dapat ang tumatanda, hindi ang mukha, " she said sternly with her european accent. "Do I look like a very old woman to you, hija?"


"No... What I'm trying to say po is that you-" pinutol niya ako.


"It's okay. I was only kidding." Tumawa siya at kinuha ang kanyang pamaypay bago tumayo at inayos ang manggas ng suot kong dress. "You are almost of legal age, hija. Have you picked your College course already?"  


"I haven't done so, Lola. But I'm thinking of taking International Studies," tipid akong ngumiti. 


"International Studies..." kumunot ang noo niya. "Are you not taking any course related to the field of entrepreneurship? I thought Antonio already talked with you about this."


"Uh- Mama... Hindi pa namin iyan napag-uusapan kasama si Kyline," pagsingit ni Mommy.


"Well, you should. Huwag niyo nang hintayin pa ang katapusan ng klase bago magdesisyon. Dapat alam niyo iyan dahil kayo ang magulang, Karina..." nilingon ni Lola si Mommy nang seryoso ang mukha.


She really is very strict. Alam ko na ngayon kung saan nagmana si Daddy. Pareho silang maimpluwensiya.


"Hija, I hope you are aware that the future is on the side of the business. Your cousins, your father, your Titos and Titas, they all followed our paths. Walang Llera na lumiko ng landas. Unless kung..." ngumiti siya sa akin na agad rin namang napawi pag-alis niya ng tingin. "Never mind. Just think about your decision again." Hinaplos niya ang pisngi ko. "Go inside. Nasa loob ang mga pinsan mo. I wanna have a word with your mother."


Matulis niyang binalingan ng tingin si Mommy bago ko sila iniwan doon at pumasok sa living room. Saka lang ako napahinga ng maluwag nang makalayo ako sa kanila. 


"Kychin! Oh my gosh!" salubong na pagtili ng pinsan kong si Kathleen nang makita ako. 


Until the Last Leaf Falls (Montero Series #3) (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon