Chapter 25

1.1K 28 10
                                    


| Leave |
___


"Raven!"


Napasigaw ako at napahawak sa braso niya nang makita ang isang aso na tumawid. Mabilis na nailiko ni Raven ang sasakyan pero nabangga kami sa isang road sign sa gilid ng daan. May kalakasan ang impact na tumama sa salamin kaya ang ilang mga bubog ay tumilapon sa amin mula sa loob.


Sandali akong nahilo. Hinagilap ko si Raven sa tabi ko hanggang sa naramdaman ko ang braso niyang tinatanggal ang seat belt ko.


"Shit! Ky, you okay? Talk to me. Speak, baby..." he said as he cupped my face.


"I'm okay," mahinang sagot ko at tinignan ang mukha niya. May ilang gasgas siya roon at ilang sugat sa panga na nagsisimulang dumugo.


Mabuti nalang at may mga tumulong agad sa amin. Nagpapasalamat pa rin kami at hindi malala ang natamo namin. Dinala kami sa hospital para matignan. Wala kaming ibang matawagan dahil pareho kami ni Raven na dead-batt. Mabuti nalang at nandoon na 'yong kaibigan ni Kate na si SJ. Siya ang tumawag kina Rixon at ibinalita ang nangyari.


It's Christmas morning and we're in the hospital. Just great.


Nasa iisang kwarto na kami ni Raven nang dumating ang mga kapatid niya. Galit na galit si Rixon na halos gusto na niyang dagdagan ang sugat ni Raven. Si SJ ang nagpaliwanag kung anong nangyari. Pakiramdam ko tuloy para kaming mga batang nawala at dinala sa ampunan.


"You fucking put your lives in danger just because you're jealous?! Dinamay mo pa si Kyline! How reckless, Rave!" sermon ni Rixon sa kanya.


Tinawagan na raw ni Maggie sina Mommy at sinabi kung nasaan ako. Hindi na ako magtataka kung sasalubungin nila ako ng sermon pag-uwi. Sa sinabi pa lang ni Maggie na kanina pa nila ako hinahanap ay naiimagine ko na ang galit ni Daddy.


"Susunduin ako rito ni Kuya Lito. Don't worry. Mauna ka na para makapagpahinga ka," sabi ko kay Raven nang nagpumilit itong ihatid pa ako.


Hinatid ko hanggang sa labas sina Raven. Kumaway ako kay Maggie bago siya pumasok sa sasakyan. Hindi rin naman nagtagal ang paghihintay ko dahil dumating na rin si Kuya Lito ilang minuto matapos makaalis nina Maggie.


Unang hakbang ko palang pagkapasok ng bahay ay ramdam ko na ang galit na mga mata ni Daddy na nakatingin sa akin. Nanatili akong nakayuko habang naglakad palapit sa kanya.


"Da--"


"Leave your phone and gadgets in my office. You are grounded," putol niya sa akin sa galit na tono.


"I'm sorry, D-Dad. Sorry..."


"Paskong-pasko Kyline! Ito ang isasalubong mo sa amin?!" his voice thundered. Tinulak niya ang gilid ng ulo ko gamit ang isang daliri. "Umalis ka ng bahay nang hindi nagpapaalam sa amin ng Mommy mo tapos mababalitaan naming nasa hospital ka?! Your mother was so worried!"

Until the Last Leaf Falls (Montero Series #3) (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon