Chapter 30

1.1K 31 5
                                    


| Crave |
___


"You'll live under my rules from now on."


Striktang napalingon si Lola Karolina sa akin pagkapasok ko ng mansyon. Katabi ko si Kath na kasabay kong umuwi dahil dito siya sa mansyon namamalagi.


"Dito na titira sa mansyon si Kychin, Lola?" usisa ni Kath matapos siyang magmano kay Lola.


"Kyline. That's her name. Don't make up stupid names, Kathleen." 


Napayuko nalang si Kath at tumango sa sermon ni Lola. Ako ang sunod na lumapit sa kanya para magmano. Nakasunod sa bawat galaw ko ang mga mata niya kaya hindi ako mapakali.


"The moment you live under my roof I don't want to see you wearing skimpy and too revealing outfits. Fix your posture and learn the etiquette of a businesswoman," aniya bago tinignan ang kabuuan ng suot ko. Hindi naman iyon masyadong mabungad, e.


Kath and I just came home from school. Kakasimula lang ng klase namin at nasa iisang university kami nag-aaral. I took a different course at the University of Barcelona where most of my cousins are studying though it's still business-related as what my family wanted. I took College over again, making Kath ahead of me for 1 year.


Kahit tatlong buwan na ang lumipas simula noong pagdating namin dito, wala pa ring nagbago sa tingin nila sa akin. Alam na ni Lola ang lahat ng nangyari kaya sobra ang paghihigpit nila sa akin simula noong pagdating ko.


May sariling bahay naman kami pero sa unang tatlong buwan ng pagtira namin sa Espanya, sa mansyon ni Lola kami nanatili para masubaybayan si Mommy. Her pregnancy wasn't easy especially that she's been emotionally unstable since we got here. Minsan kinakabahan ako dahil nags-spotting siya but her doctor said that it's still normal and the baby is safe.


"Aalis na po rito sina Mommy?" mahina kong tanong kay Lola. Tumabi ako ulit kay Kath sa harap niya habang siya ay nakaupo sa kanyang rocking chair sinadya niyang ipagawa sa ibang bansa.


"Yes. Maiiwan ka rito kasama ng iba mong pinsan. Sometimes I hate the way how your parents treat this mansion, treat me, as a rehabilitation center for their stray children." She hissed as she looked at me and Kath with her strict gaze. 


One of the reasons why I hate living here is because of their treatment to me. Ang mga Tita at Tito ko, kahit wala naman silang ginagawang masama o ako sa kanila, pakiramdam ko iba ang turing nila sa akin. Minsan nararamdaman ko na sa tuwing tinitignan nila ako ay para akong ibang tao. I get that they dislike my mother as my Daddy's wife. I also get that among my cousins, ako ang lumaki malayo sa kanila kaya siguro malayo rin ang loob nila sa akin.


Si Lola naman... pinapansin niya ako but she's more strict when it comes to me than to my other cousins. Even to Kath. Naaalala ko noon sa tuwing umuuwi siya galing sa ibang bansa, hindi niya ako pinapapili sa mga pasalubong hangga't hindi pa tapos ang iba. I was always the last one to pick and sometimes there were nothing left but the damaged and least-favorite one.


"But it's a good thing too. Ako ang magdidisiplina sa inyo na hindi magawa-gawa ng mga magulang ninyo. Lalo ka na..." patuloy ni Lola sabay pukol sa akin ng tingin.

Until the Last Leaf Falls (Montero Series #3) (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon