| Plant |
___
"What happened to you? May sakit ka ba?"
Hinila ko pa ang kumot pataas para matakip sa katawan ko. Halos wala nang hangin na pumapasok sa kwarto dahil sinarado ko lahat sa sobrang ginaw.
"I'm alright. Masama lang pakiramdam," sagot ko kay Kath sa phone.
"Masyado ka sigurong nag-enjoy sa outing niyo kahapon. Do you have fever?"
"Yes. A bit. Uminom naman na ako ng gamot. Baka epekto lang ito ng... vaccine." Humina ang boses ko sa panghuling sinabi.
"What vaccine? For what?" walang kamalay-malay na tanong ni Kath.
"Wala. Don't mind it." I sighed. "Do you have news about the petition? Nagpadala na ng order to respond ang korte. I wanna know kung umabot na kay Daddy.
Tumayo si Kath para itapon ang basura ng kinain niyang prutas. Kumuha pa siya ng isa at iyon naman ang binuksan habang nakikipag video call sa akin.
"Wala pa akong naririnig. Hindi na rin ako madalas makabalik sa mansyon. Hiro wants me to stay home. Ayaw niyang nagpapagod ako kakalabas. I don't know with him," iyon lang ang sagot niya.
"Balitaan mo ako agad kung may marinig ka, ha."
"Ako pa. Promise at ikaw una kong sasabihan kaysa sa fiance ko!"
Nasurpresa ako sa sinabi niya. "Fiance? Hiro proposed?!"
Napatigil siya sa pagkagat mula sa watermelon at nakangiting tumango sa akin.
"Oh my god! Talaga?! Congratulations! That's a great news! Kailan ang kasal?"
Mabigat siyang napahinga at tinitigan ako mula sa screen.
"Bakit, uuwi ka ba rito?" nawala ang ngiti niya. Napasinghap din ako.
"I don't know. Maybe. Maybe not. Gusto ko lang muna tapusin ang kaso bago ako bumalik diyan... Kung makakabalik."
"Sagot ko pamasahe back and forth mo. Just come to our wedding..." Kath offered. "By the way, how's the reversal?"
"We're working on it. Like I said, hinihintay nalang namin respond ni Daddy."
"And your relationship with your lawyer slash ex-boyfriend?" nangingilatis niyang tanong.
"Fine," tipid kong sagot sabay iwas ng tingin sa screen.
"Anong fine? Ang daming pwedeng ibig sabihin ng fine! I want a direct but honest answer, Kychin!" she sounded excited.
BINABASA MO ANG
Until the Last Leaf Falls (Montero Series #3) (✔️)
RomanceMontero Series #3 Love can set anyone free, but not for Kyline Chantelle Llera. As a sheltered girl, she's living with the fear of breaking her father's rules, and she's trying to find herself a place in the family she grew up in. She longs for a ki...