Chapter 7

1.1K 39 6
                                    


| Game day |

___


"Nasaan ka na ba?!"


Napatingin ako sa wall clock sa ulohan ng pinto. Kanina pa naghihintay sa akin sina Paupau dahil game day ngayon nina Raven.


"Ayokong pumunta, Pau. Dito nalang ako sa bahay..." sabi ko sa kanya sa telepono.


Dahil sa nangyari kagabi ay ayoko na ulit lumapit kay Raven. Sa sobrang hiya ay napaka awkward na tuloy. Siguradong naghihinala na siya sa akin. Ang mga kaibigan naman namin ay tinutukso na ako sa kanya.


"What?! Halika na rito! Magsisimula na ang game! Bukas na uuwi ang Daddy mo diba? This is your last chance to be free, Ky!" pagkumbinse niya pa.


"Sa iba nalang tayo mamaya. Basta ayoko riyan..." I refused again.


Alam ko naman kung saan uuwi ang lahat kung dadalo ako sa laro nila. Ako lang magiging laman ng tuksuhan at usapan. Pagkatapos ng nangyari kagabi? I don't think makakaya ko pang magpakita kay Raven nang hindi nahihiya...


"Ayon! Tapos ang usapan..."


Halos mabingi ako sa talas ng pagtili nina Johanna at Maggie. Tawang-tawa naman ang ibang lalaking kasama namin. Habang ako ay kulang nalang tumiklop na parang halamang makahiya dahil sa hiya!


"Gusto mo si Rave, Ky?" nanunuksong tanong ni Rence.


Napatawa lang ng marahan si Raven sabay iling. Pinaghahampas naman ako ni Maxi at Johanna.


"Hindi ko naman sinabing siya, ah. Grabe kayo," pilit kong pagtanggi kahit lunod na sa kaba.


"Ayie, in denial," tulak pa ni Maxi.


"Ayaw nito sa bata, Ky. Paano na 'yan?" sabi naman ni Davien.


Mabilis kong nilingon si Raven at agad lang umiwas. Nahagip ko siyang umiinom ng juice mula sa baso na parang walang pake sa pinag-uusapan namin.


"Ang gandang match kaya niyan. Dagdag attraction kaya ang age gaps!" sapaw naman ni Pauline. Ngayon pa lang ata siya nagsasalita simula noong panlalalaglag niya sa akin kanina.


"Ayaw naman ni Raven sa mas bata sa kanya. Sa akin nalang! Mas type ko 'yung mas bata kaysa ka edad ko lang!" ani Davien bago napatawa.


"Walang may pake sa'yo, Davi. Hindi ka naman nagseseryoso," puna sa kanya ni Maggie.


"Seryoso ako, Magg. Kayo lang itong minamaliit ako..." nagtunog-seryoso na rin si Davien sa sagot niya. "Ano, Kyline? Subukan mo sa akin magkagusto, hindi kita iiwan sa ere."


Mabilis siyang tinapunan ni Raven ng unan.


Until the Last Leaf Falls (Montero Series #3) (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon