Chapter 15

1.2K 39 3
                                    


| After-party |
___


"To legality!"


Sinalubong ako ng mga kaibigan ko ng isang masayang hiyawan pagkapasok sa hotel room. Dahil sa pagsabog ng confetti ay nagulat ako at napatigil sa pagpasok kaya nabangga ko si Raven sa likod.


"Happy birthday again!" si Paupau sabay abot sa akin ng isang wine glass. Pati si Raven na nakasunod sa likod ko ay inabutan niya rin.


Kompleto ang barkada ko at ang barkada nina Raven. Ang iba ay nakasuot na rin ng swimwear para sa night swimming mamaya. Ang mga lalaki ay puro topless na at pinangangalandakan ang mga katawan.


Kakatapos lang ng party. Mabuti nalang at pumayag sina Mommy na mag overnight kami rito sa hotel. Wala na rin naman silang magagawa dahil last week pa ito plinano nina Archie at Kath. Para na rin daw makapag bonding kami bago sila bumalik ng Spain bukas.


"Nasaan sina Rix at Theia?" tanong ko nang saka lang mapansin na wala pala ang dalawa.


"Ewan may pupuntahan daw, eh. Hindi rin dito matutulog si Theia dahil walang kasama ang Mommy niya sa bahay nila. Si Ricxon lang ang babalik dito mamaya," si Davien sumagot.


Tumango nalang ako at muling itinaas ang wine glass. Sinunod nila ako at sabay-sabay naming ininom ang laman. Si Maggie lang ang naiba. Tubig ang laman ng sa kanya.


Matapos ang maikling kwentuhan ay nagdesisyon ang lahat na bumaba na para sa pool party. Nakapagbihis na sina Maggie, Jo, at Paupau ng swimsuit kaya sinamahan nalang nila akong magpalit sa banyo. Ang boys ay nauna na sa ibaba.


"Did you open Raven's gift already, Ky?" tanong ni Pauline mula sa labas nv dressing room.


"He has a gift?" napatigil ako sa paggalaw.


"Alangan namang wala? Of course he has a gift. Sa akin pa siya nagpa advice kung mahilig ka ba sa..." hindi tinuloy ni Maggie ang sasabihin kaya napakunot ang noo ko. "Basta!"


"Hindi pa ba niya binigay?" singit naman ni Johanna.


"H-Hindi pa..."


Hindi pa rin naman kami nakapag-usap ng maayos simula noong 18 roses. Hindi ko alam kung bakit nawala ang lakas ng loob kong maunang magsalita. Napalitan ata ng hiya...


"How can I not like you back? Lintik lang ang hindi mahuhulog sa'yo, eh."


Natameme ako sa huling binitawan niyang mga salita. Ultimo paggalaw ng paa ko ay napahinto rin. Gulat lang akong napatingala sa kanya. Hindi ko mabasa ang biro sa mga mata niya. Why is he saying that?


I didn't get to ask him further about that when the music ended and the lights illuminated the room again.


Nagpatuloy ang program na gumagambala pa rin sa isip ko ang mga sinabi niya. Kahit hanggang sa matapos ang party ay hindi ko pa rin maalis iyon sa isipan.

Until the Last Leaf Falls (Montero Series #3) (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon