Chapter 36

1.3K 44 20
                                    


| Lawyer |
___


"Atty. Montero, Atty., Salvaleon, Miss Llera, are you all okay?" hilaw na tanong sa amin ni Atty. Radelo.


Puwersahan kong hinablot mula kay Raven ang pulso ko. Nandoon pa rin ang tensyon sa kanilang dalawa ni Ridge. Unang lumabas ng elevator si Raven bitbit ang suit niya. Halatang gusto siyang sundan ni Arabella kung wala lang ako.


"Are you sure you are fine, miss?" tanong sa akin ni Atty. Salvaleon nang makalabas kami ng elevator.


"Yes..."


"You need to be checked to make sure. Come, follow me..." ani Arabella bago nagsimulang maglakad.


Nandoon na si Raven sa clinic pagkarating namin. Tinitignan na siya ng isang nurse. Napalingon pa siya sa amin pagkapasok ko. Mabilis na lumapit sa kanya si Arabella at may itinanong doon.


"Saan mo ito nakuha, Atty.?" tanong ng nurse na tumitingin kay Ridge sabay turo nito sa pasa sa gilid ng labi niya.


Napatawa lang si Ridge sabay sulyap sa amin ni Raven.


"Wala, nurse. Souvenir lang ng isang ex. Masyadong triggered, eh..." pagpaparinig niya sabay sulyap kay Raven.


Maging si Arabella ay nagtatakang napalingon sa aming tatlo. Pabalik-balik ang tingin niya sa amin ni Raven.


Pagkatapos naming matignan ay muli akong tinawag ni Atty. Salvaleon kaya tumigil ako sa pagsunod kay Arabella.


"You can call me here if you need my service, Miss Llera," aniya sabay abot sa akin ng isang calling card. Naabutan ko pa siyang nakangisi kay Raven sa likuran ko.


"Thank you, Attorney."


Tumalikod ako at sumunod na kina Arabella at Raven. Bago kami makaliko ay narinig pa namin ang muling pagtawag ni Atty. Salvaleon kay Rave.


"Atty. Montero, malapit na pasko. Gusto mo exchange ex tayo?" pang-aasar ni Ridge bago tumawa.


Saglit lang siyang binalingan ni Raven ng matulis na tingin bago nagpatuloy sa paglalakad.


Dumiretso si Raven ng pasok sa opisina niya. Tumigil ako sa tapat ng glass door at sandali siyang sinilip mula sa loob. Padabog siyang umupo sa swivelling chair at naghubad ng relo. Kahit may namagitang pader sa amin ay umaabot pa rin sa akin ang inis na umaalingawngaw sa pinapakita niyang reaksyon.


"Miss Llera," tawag sa akin ni Arabella kaya naalis ang tingin ko kay Raven at napalingon sa kanya. "Let's go to my office."


Nang dahil sa nangyari kanina, tila may isang maliit na tinik na natanggal sa dibdib ko. I feel a bit lighter assuming that Raven still cares about me... even for a bit. Kahit iyon lang, sapat na sa akin dahil alam kong hindi niya ako kinamumuhian nang gaya sa inaakala ko. Hindi ako sigurado, pero iyon ang pinaparamdam niya sa akin ngayon.

Until the Last Leaf Falls (Montero Series #3) (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon