| Joco |
___
"Ahh!"
Nabitawan ko ang hawak kong marker dahil sa panggugulat sa akin ni Kalvin mula sa likuran. Lumipad ang kamay ko sa dibdib dahil sa kaba! Hindi ko napigilang mapasigaw.
"Kal! Stop scaring people like that!" saway ko sa kanya. Tinawanan niya lang ako bago niyakap ang bewang ko.
"Let's have cookies na, Ate! Please! Please! Please!"
Tumatalon-talon pa siya habang pilit hinihila ang braso ko. Kanina niya pa ako pinipilit na sabay kaming kumain ng meryenda sa baba pero dahil may ginagawa akong schoolworks ay hindi ko siya nabigyang pansin. Kaya ngayon ay pumasok na talaga sa kwarto ko.
"We'll have dinner na in a while, Kal. You'll lose your appetite if you'll eat cookies." Hinarap ko siya ay hinaplos ang likuran niya. Basang-basa na iyon dahil sa kakalaro.
"But I promise I will still eat my dinner. Please, ate..."
"Papagalitan ako ni Mommy."
"I won't sumbong," he pouted.
Mabigat nalang akong napahinga dahil alam kong hindi ko siya mahihindian. Mukha niya palang na mala-anghel ay hindi ko na matiis.
Si Kalvin ang kamukha ni Mommy. Pareho silang may maamong mukha. Si Daddy ay parang Morrocan ang dugo pero wala naman kaming lahing banyaga, siguro sa mga lolo niya.
Ako ang hindi nagmana sa kanilang dalawa. Sabi ni Mommy kay Lola raw ako nagmana- sa Mama niya. Pero hindi ko na siya naabutan dahil bata pa lang si Mommy ay namatay na siya.
"Okay, fine! But you will only have two. Okay?"
"Can you make it three?" Ngumiti siya nang malapad. Napairap nalang ako at napatawa. Ang kulit, e.
Iniwan ko muna ang mga gawain ko at sinamahan siya sa kusina. Mabuti nalang at walang tao roon kaya madali lang sa akin na kunin ang acrylic container ng cookies.
"Yey! Thank you, Ate! Yey! Yey!" Pagtatalon-talon niya ulit. Nagulat pa ako nang may binuksan niya ang trunk ng laruan niyang sasakyan at doon nilagay ang ibang cookies na nilagay ko para hindi makita nina Mommy.
"Kyline?" Pagtawag ni Mommy mula sa living room.
Mabilis kong pinaalis si Kalvin at pinaakyat sa kwarto niya. Tumakbo naman siya agad habang ngumunguya ng cookies. Napatawa ako at inayos ang lagayan bago nagpunta kay Mommy. Inaayos na niya ang isang flower vase nang pumasok ako sa living room. Nakita kong may mga magazine nang nakalatag sa center table.
"What is it, Ma?" tanong ko sa kanya.
"Sit down for a while. May pag-uusapan tayo." Tinuro niya ang mga magazines sa table. Nakita kong puro gowns ang nandoon. May isa naman na puro stage decorations ang nakadisplay.
BINABASA MO ANG
Until the Last Leaf Falls (Montero Series #3) (✔️)
RomanceMontero Series #3 Love can set anyone free, but not for Kyline Chantelle Llera. As a sheltered girl, she's living with the fear of breaking her father's rules, and she's trying to find herself a place in the family she grew up in. She longs for a ki...