Chapter 14

1.2K 45 9
                                    


| Debut |

___


"Happy Birthday, Ky!" 


Sunod-sunod na pumasok sa hotel room ko sina Kath at Archie, kasama ang iba naming pinsan. Hindi ako makatayo kasi abala ang glam team sa pag-asikaso sa mukha at buhok ko. Maaga pa naman pero kinakailangan ko lang maghanda ng maaga dahil may shoot pang gagawin sa venue bago dumating ang  mga bisita.


"Thank you. Ang aga niyong gumising. Mamaya pa sana kayo, e..." ngumiti ako sa kanila at tinanggap ang regalong inabot ni Kath.


"First gift ko pa 'yan! Ang pangalawa mamaya na sa event," tumawa siya at niyakap ako.


Bumati rin ang iba kong pinsan at lumabas din agad. Nagpaiwan lang si Kath para pagmasdan ang paghahanda ko. Hindi ako sanay na sobrang daming tao ang nagtutulungan para ayusin ako. May mga videographers pang paikot-ikot at kinukunan halos ang bawat galaw ko.


"How are you feeling?" umupo si Kath sa harap na silya nang matapos ang pag-aayos ng hairdresser. 


"Kinakabahan ako..."


"Don't be! Ano ka ba! Araw mo ito. Enjoy every bit of it. Isang beses ka lang mag-debut!" Hinaplos niya ang chin ko at masayang ngumiti.


Nagkibit-balikat nalang ako at hindi na nagsalita. Hindi naman ang kadahilanang sentro na naman ako ng atensyon mamaya ang nagpapakaba sa akin. It's the thought of celebrating your birthday with doubts if the love shown to you is fake or sincere.


Hindi ko alam kung paano malalaman iyon. This is what I hate about celebrating birthdays with so much people. You won't know who's sincere. Fake love usually appears when you are in the spotlight. Kaya mas gugustuhin ko nalang ng maliit na salo-salo kasama ang mga taong alam kong totoong pinapahalagahan ako.


"At saka... Wish granted ka na, 'di ba? Escort mo na bebe mo," nang-aasar na sabi ni Kath at bahagyang lumayo sa akin dahil alam niyang hahampasin ko siya agad.


"Kaya naman pala blooming ka..." singit naman ng make-up artist. Pilit kong pinipigilan na hindi ngumiti pero dahil sa nakangising mukha ni Kath ay sumuko ako. Lalo na noong maalala ang nangyari kagabi...


"Let me go. Maghahanap ako ng isusuot bukas sa debut mo..."


Sumilay ang ngiti sa labi ko at binitawan siya. Hindi ko na siya ulit pinigilan nang dumiretso na siya palabas ng kusina.


"So? How was it?" iyon agad ang tanong sa akin nina Maxi.


"Pumayag na siya!" mahina pero nasasabik kong sagot. Nagpigil din sa tili si Kath.


"Anong mahika ang ginamit mo sa kapatid ko? Ang hirap kaya pilitin niyan!" pagtataka ni Maggie.


I smiled and chuckled. "Yung baso ata ang lucky charm ko."


Until the Last Leaf Falls (Montero Series #3) (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon