Chapter 38

1.5K 39 17
                                    


| Mother's Day |
___


Tahimik akong sumusunod kay Raven palabas ng building. Hindi ko na nilingon pa ulit si Arabella na iniwan naming mag-isa sa opisina.


"Get in," Raven stated, pointing his car.


"What?" nagtataka kong tanong sa kanya. "I'm not having lunch with you, Raven."


Nagbuga lang siya ng mabigat na hininga. "Maggie told me to take you with me. We're having lunch at Rence's house. It's his birthday today."


Doon ko lang nakuha ang sinabi niya. Buong akala ko ginagamit niya lang akong palusot dahil nag-aaway sila ni Arabella.


"I'm using my car," sabi ko at tumalikod.


Hindi na siya nagpumilit pa. Sabay kaming pumasok sa kanya-kanya naming sasakyan. At dahil hindi ko alam ang bagong address ni Rence, nakasunod lang ako sa kanya. Minsan napapansin ko pa na sinasadya niyang hinaan ang takbo niya kapag nakikitang nahuhuli ako.


I checked Hiro's message while driving. Naalala kong may message pala siya kanina habang nasa message ako.


Hiro Leandre:

Niccolo came here yesterday. He's asking about your address in the Philippines. Don't worry, hindi ko binigay. Just keeping you updated. Take care of yourself. I'm taking care of your cousin.


Hindi ko na inisip pa ang message niya tungkol kay Niccolo. Hindi na rin ako nagreply pa kay Hiro. Gagawin ko nalang iyon mamaya bago matulog.


"I didn't bring any gift. I didn't know, sorry." Sinalubong ako ni Rence pagkapasok. Natawa pa ako sa itsura niya dahil mukhang napagtripan pa siya ng barkada. Nag-amoy itlog ang buhok niya


"It's fine. Sanay na akong kinakalimutan," pagdadrama niya. Tumawa lang ako at hinampas ang braso niya. "Let's go. Where's your lawyer?"


"Outside. May inaayos pa raw."


Nauna akong pumasok papunta sa dining area ng bagong gawa niyang bahay. Sakto lang ang laki nito at halatang kakatapos lang ng construction dahil may kaunting amoy pa ng pintura ang paligid.


"Basta kapag ako ikakasal, sa airport runway ang venue!" Iyon ang bumungad sa akin mula kay Davien. Naagaw ko ang atensyon nilang lahat. Sumenyas kaagad si Maggie sa akin na umupo sa tabi niya.


"Ikakasal ka kaya talaga?" tumawa si Daxon.


"Ikakasal ako, gago! At ikaw ang magkakasal sa amin!" bato niya sa kambal.


"Careful, Davien. Baka maunahan ka pa ni Daxe..." makabuluhang sabi ni Maggie na marahang ikinatawa lang ni Daxon.


"Meron na?" usisa ko.


"Parang gano'n," sagot agad ni Maggie.

Until the Last Leaf Falls (Montero Series #3) (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon