Chapter 12

1.1K 29 2
                                    

| Escort |

___


"Sabay ba tayo mamaya papuntang hotel?"


Napatigil ako sa pagliligpit ng gamit nang tanungin ako ni Jiggy. Alam kong nasa likuran ko lang siya at nakatayo, naghihintay ng sagot ko.


"Hotel? Anong gagawin niyo sa hotel?! Kayo ha!" maduming singit ng kaklase naming si Joshua.


Narinig kong napatawa lang si Jiggy habang ako ay halos magtagpo na ang kilay sa pagkunot. Lilinisan ko pa sana ang utak niya kaso mabilis siyang umalis ng room nang tawagin ng barkada niya.


Hindi alam ng iba ang tungkol sa debut ko. Well, hindi lang dahil hindi naman sila invited. Ayaw ko lang talagang maging sentro ng usapan. Lalo pa't isa si Jiggy sa 18 roses ko. Ayaw kong matulak ulit sa iba, no!


"May service na susundo sa akin, e."


"Pwedeng sumabay?"


Nagulat ako sa mabilis niyang pakiusap. Nakakabigla ang pagiging feeling close niya ngayon. Hindi naman siya ganito ka daldal noon sa akin, e. Sa ibang kaklase namin, oo.


"Wala kasi akong sundo ngayon..." dagdag niya.


"O-Okay, sige. Ikaw bahala..."


Hinintay niya ako hanggang sa matapos akong mag-ayos ng gamit. Naghintay pa siya sa labas ng restroom habang nagbibihis ako.


"Tapos ka na?" ngumiti siya.


Sa totoo lang, may itsura naman talaga si Jiggy. Lalo pa ngayon na bagong gupit siya. Mas malinis tignan ang mukha niya. Saka ko lang din napansin ang dimple niya sa magkabilang pisngi. Pwede na rin ang isang ito...


"Yes. Nasa labas na si Kuya Lito..."


"Okay. Akin na bag mo..."


Lumapit siya at inabot ang bag kong nakasabit sa balikat ko. Nagdalawang isip pa akong ibigay iyon sa kanya pero nagpumilit talaga siya. Sabay kaming naglakad palabas ng campus. Sinasadya ko pang maglakad nang mabagal para hindi makasabay sa kanya pero sa tuwing napapansin niya iyon ay bumabagal din siya sa paglalakad para sabayan ako.


"Ang mga kaibigan mo ba, nauna na?" tanong niya.


"Oo. Mas unang natapos klase nila kaya..."


Palihim ko siyang nilingon sa gilid ko. Gusto kong matawa habang pinagmamasdan kung paano niya bitbitin ang tote bag ko. May bag siya sa likod at nasa balikat niya naman ang akin. Saka ko lang kinuha iyon nang makarating kami sa sasakyan.


"Kuya Lito, may makikisabay lang po sa atin..."


Until the Last Leaf Falls (Montero Series #3) (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon