3: "Time flies when you're having fun"
~~~~~•~~~~~•~~~~~
Dinala niya ako sa isang kainan na limang minuto lang mula sa school--by car, of course. Maraming tao doon at halos karamihan ay mga estudyante lang din. Naghintay pa kami ng ilang minuto bago maka-upo dahil sa dami ng tao. Si Aegeus nadin ang namili ng kakainin namin dahil 'di naman ako pamilyar sa mga tinitinda nila dito. Pero mukhang masarap, base sa mga taong nasa loob at labas ngayon.
"Sorry ha, crowded," hingi ng paumanhin ni Aegeus at napakamot pa ng batok sa hiya.
Ngumiti naman ako. "Okay lang," ani ko at tumingin sa binili niya. "Ano 'yan?" sabay turo ko sa isang putahe na ngayon ko lang nakita.
"Paltat daw sabi ni aling Gee," sagot niya sa'kin pero kumunot lang ang noo ko. "Isda 'yan. Hindi masyadong uso kasi mahal at mahirap din na lutuin minsan, na hanapan ng lasa. Pero masarap naman siya."
Tumango ako. "Malalaki ba 'yung tinik?" tanong ko at pinanood ko siyang hiwain 'yung 'paltat'. Isa lang ang binili niya dahil medyo malaki din naman 'yun, swak para sa'ming dalawa.
Tumawa siya. "Oo," aniya. "Pero ako na bahala sa'yo. Kumain ka nalang d'yan."
Lumabi ako. "Nakakahiya naman. Hintayin nalang kitang matapos para sabay talaga tayo," sabi ko sakanya at nakita kong sumilay ang ngiti sa labi niya.
"Sige, teka," usal niya at medyo mas mabilis na hinanda 'yung isda. Pinanood ko lang siya at 'di ko maiwasang 'di mamangha dahil isang napaka-kisig at napaka-mestisong lalaki na tulad niya ay nasa karinderia, nagtatanggal ng tinik ng isda para sa akin.
Napangiti ako.
"O, ayan na. Subukan mo," sambit niya at nagulat ako nung ilahad niya 'yung kutsara niyang may kanin tsaka isda. Napatitig ako doon. 'Di ba may tinatawag silang indirect kiss?
Agad kong sinubo 'yung isda. Nanlaki ang mata ko. "Omg! Ang sarap!" mahinang tili ko dahilan para tumawa siya ng malakas at napanganga ako nung isubo niya 'yung mga 'di ko kinain. Namula ang buong mukha ko.
Omg. My first indirect kiss!
Counted ba 'yun? Oh, well. At least.
"Gusto mo pa?" Tumango naman ako bilang sagot. "Okay, here. Kumuha ka lang kung gusto mo pa."
I grinned. "Paano mo naman nalaman ang place na 'to?" tanong ko bago sumubo.
Nagkibit-balikat siya. "Dinadala ako dati dito ng driver namin, close kasi kami. E, masarap ulam dito kaya naging isa sa mga paborito ko. Regular na nga ako dito e," pagmamalaki niya kaya naman natawa ako.
"Ah. Kaya pala crush ka nung babae sa harap," biro ko naman at mas lalo akong natawa nung nakita kong medyo namula ang leeg niya.
"Huy. Hindi kaya," tanggi niya at ngumisi lang ako kaya napangiti nadin siya. "Hindi talaga. Immune na sila sa pagmumukha ko."
Natawa naman ako sa sinabi niya at nag-usap nalang ulit kami. Nag-kwento siya tungkol sa buhay niya at nakinig naman ako. Sobrang puno ng tawanan 'yung usapan namin na 'di namin namalayaan ang oras. Quarter to two na kaya medyo nagmadali kami.
"Nag-enjoy ka naman?" tanong ni Aegeus habang nasa daan kami.
I grinned. "Of course! Nakakatuwa ka palang kasama, Aegeus," sambit ko naman at ngumiti din siya.
"Ikaw din," saad niya. "I enjoyed your company so much. Ulitin natin, ha? Pero next time, 'yung wala nang time limit.
Next time?
Mas lumaki ang ngiti ko. "Sure! Para ma-kwento mo na 'yung psycho ex mo," natatawang biro ko at tumawa lang din siya ng malakas bago mag-park.
"Ihahatid na kita sa classroom mo," aniya at 'di na ako umangal pa. Bumaba na kami pareho at hindi na ako nagulat nung siya ang bumuhat ng bag ko.
BINABASA MO ANG
The Perfect Time ❤️
Teen FictionA QuenLia fiction. "Only time will tell" ang laging sinasabi ni Chanelle sa sarili. She believes in destiny, in that "perfect time". Naniniwala siyang lahat nangyayari sa takdang panahon, na lahat ay nasa ayon ng Diyos. And she knows that everything...