•SIX•

343 9 2
                                    

Aegeus: ey-gyus

6: "In time"

~~~~~•~~~~~•~~~~~

"Huy! Si Cannon, hinahanap ka sa akin!" sabi ni Fae at sinundot ako.

Kinagat ko ang labi ko tapos ay umiling ako. Sinubukan kong mag-concentrate ulit sa inaaral ko dahil 'yun ang importante sa ngayon, hindi ang isang taong pinaglalaruan lang ako. Kung wala akong silbi sakanya, ganun din ang ipaparamdam ko sakanya.

"Nagkatampuhan ba kayo nun?" tanong naman ni Damon at tumabi sa akin. "Alam mo, 'di mo 'yun maiiwasan lagi."

Nagkibit-balikat ako. "Kaya ko," sagot ko naman.

"Bakit ba kayo 'di nag-uusap?" usisa ni Jared.

Nagkibit-balikat ako. "Guys, h'wag niyo na muna ako pansinin, please. Bukas na 'yung exams ko, e."

Nagkatinginan si Fae tsaka si Damon pero hindi ko na sila pinagtuunan pa ng pansin at ganun din sila sa'kin,

Halos dalawang linggo nang 'di ko kinakausap si Aegeus. Nage-effort naman siya, e, pero ayoko na muna siyang kausap. Naiinis ako sakanya at pakiramdam ko gusto ko siyang sakalin tuwing nakikita ko ang pagmumukha niya. Sabi ni Xenylia dahil daw nagseselos ako. Pero hindi, hindi 'yun totoo. Naiinis lang ako kasi "nililigawan" niya kuno ako pero malalaman kong ikakasal na pala siya sa iba.

Napalingon ako kina Damon at nakita kong naga-aral nadin sila. Bukas na ang exams namin at sabay-sabay kaming mage-exam para sa boards. Lagi din kaming nakatambay sa library dahil tahimik at pinapahiram naman sa'min ni Xenylia 'yung VIP lounge na talagang para sa mga members. At dahil kaibigan namin si Xenylia, may access kami. And the best part? 'Di makakapasok si Aegeus.

"Chanelle," tawag sa'kin ni Fae kaya napatingin ako sakanya ng nagtataka. "Anak pala ng businessman 'yung fiancé ni Cannon?"

Napatiim-labi ako. "Oh?" kunwaring gulat na saad ko. "Good for him," ani ko at tumungo. So mayaman pala ang papakasalan din niya? Bigla akong nanliit sa sarili ko dahil hindi naman kami mayaman, kumbaga ay nasa gitna lamang kami. Sapat lang para mabuhay kami. Pero kahit na kami pa ang pinaka-mahirap na tao sa buong mundo, tama ba ang ginawa niyang pagpapa-asa sa'kin? Mayaman o hindi, maling gawin 'yun sa isang tao. Nakakapang-gigil.

"Asus. Baka naman 'di mo kinakausap kasi nagseselos ka?" usisa ni Fae at umirap lang ako sa kawalan tapos ay hindi siya pinansin. Ayokong magsalita tungkol d'yan.

"Maganda ba?" tanong naman ni Jared kaya mas lalong napasimangot ako. "Patingin nga, Fae. Mas maganda ba si Chanelle?"

Tumingala ako. "Jared, h'wag mo nga akong idamay," inis na sabi ko at inirapan siya.

Tumawa si Damon. "Puta, maganda nga," aniya tapos ay bumaling sa'kin ng nakangisi. "Pero, shit, Chanelle, mas malayo naman ang ganda mo. Pang-Miss Philippines lang 'to, e."

Napailing ako at sinubukan ang 'di ngumiti sa mga sinasabi nila. You could always trust my friends to cheer me up.

"Oo nga," saad ni Jared habang nakatingin sa screen ng laptop ni Fae. "Gago nalang ni Cannon kung pipiliin niya 'to kesa ikaw."

"Gago naman talaga siya," singit ng isang boses at napalingon kaming lahat. Ngumisi si Xenylia. "Pero 'yang gagong 'yan, nasa labas padin. Hinihintay ka, Chanelle."

Tumingin sa'kin si Fae. "Bakit 'di mo nalang kausapin, Chanelle? Hear him out," aniya.

"Ayoko nga," nakangiwing sagot ko at yumuko para magbasa ulit. Hindi ako lalabas dito para lang kausapin siya. Bahala siyang magdusa doon sa labas, hindi ko siya pupuntahan.

The Perfect Time ❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon