•TWO•

537 8 1
                                        

2: "Last Time"

~~~~~•~~~~~•~~~~~

Pagpasok ko ng Chemistry class ko ay si Cannon agad ang nakita ko. Napatigil ako sa pinto at napakurap. Pre-med student siya?

"Nakatunganga ka d'yan, Chanelle?" sigaw ni Damon, isang kaibigan kong lalaki kaya naman napatingin sa'kin ang ibang estudyante, maski si Cannon. Namumulang nagyuko ako at lumapit kina Damon, Jared, at Fae. Tinabihan ko si Damon at inirapan siya. Tumawa siya. "Hi, babe! Bakit ka na-estatwa doon?"

Napasimangot ako. "May naisip lang," inis na tugon ko naman sakanya at nilabas ang laptop ko. "Kailan bang sumigaw ka kanina? Nakakahiya ka talaga, Damon!"

Ngumisi siya at nagyuko na sa desk niya.

"Bayaan mo na 'yan, Chanelle," saad naman ni Fae. "Kulang lang sa tulog kaya nang-aasar ng tao."

Tumango naman ako. "Nakaka-review pa ba kayo para sa board?" tanong ko sakanila at binuksan ang Notes App ko.

"Oo. Si mama nagre-review sa'kin," sagot ni Fae at napatingin naman ako kay Jared na nagkibit-balikat.

"Si tita sa'kin. Sa'yo?" baling niya sa'kin.

Ngumiti ako. "Solo ako," sagot ko.

Nagpaikot ng mata si Fae. "Napaka-independent mo talaga, Chanelle!"

Tumawa nalang ako dahil sakto naman na pumasok ang professor namin kaya umayos na kaming lahat ng upo at nagsimula nang magtype para notes. Medyo nainis ako dahil ang bilis niyang magsalita at puros mga wrong spelling na 'yung mga tina-type ko dahil sa pagmamadali ko. 'Di bale, aayusin ko nalang mamaya sa library.

Nung natapos ang klase namin, nagpaiwan muna kaming apat dahil siksikan sila sa pintuan.

"Sino kaya si g'wapo?" tanong ni Fae at ngumuso kay Cannon na nagta-type sa laptop niya.

Saglit akong tumingin kay Cannon bago binalik ang atensyon sa pag-kopya ko ng notes ni Jared na 'di ko na-type. Ang bilis kasi magsalita nung prof namin kaya marami akong na-miss.

"Si Chanelle, baka kilala," saad ni Damon kaya napatingin sila sa akin.

Nagkibit-balikat ako. "Cannon Serevlio."

Nanlaki ang mata ni Fae. "Kilala mo?"

Umiling ako. "Tinanong niya lang kung anong oras na, tapos nagpakilala. 'Yun lang naman," paliwanag ko at pinatay na ang laptop ko. Inabot ko nadin kay Jared ang laptop niya. "Imbes na ako tanungin niyo, lapitan niyo nalang. Hindi ko naman siya kilala e--alam ko lang ang pangalan niya."

Tumango si Jared kay Damon. "Tara, p're. Mukhang pamilyar siya, e," aniya at tumayo din si Damon tapos lumapit na sila kay Cannon. Napailing nalang ako at kinuha ang cellphone ko dahil baka hinahanap na naman ako ni Xeny. Alam kong sabay natatapos ang third class ko tsaka ang first class niya, e.

To: BFF Xeny

Asan ka na? Jollibee tayo.

"Uy! Punta daw tayo doon," biglang kalabit sa'kin ni Fae kaya napatingin ako sa gawi nina Damon na kumaway sa'min para lumapit.

Lumingon ako kay Fae. "Mauna ka na. Aayusin ko lang gamit ko," sabi ko at nakangiting lumapit naman siya kina Damon, Jared, at Cannon. Inayos ko muna ang mga gamit ko bago tinignan ang phone ko na nag-vibrate.

From: BFF Xeny

Ayoko. Magluto nalang tayo sa bahay. 1:30pm pa next class ko.

Napabuntong-hininga nalang ako at sumang-ayon bago tumungo sa kinaroroonan ng mga kaibigan ko. Agad naman silang napatingin sa'kin at nakita kong ngumiti sa'kin si Cannon kaya naman ngumiti din ako pabalik sakanya. "Hi ulit, Cannon," bati ko sakanya.

The Perfect Time ❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon