Every Time
~•~•~•~•~•~•~•~
"Naiinis na ako sa'yo!" sigaw ko at walang paga-alinlangan na hinampas si Aegeus sa balikat.
Napangiwi naman siya at lumayo ng konti kaya mas lalong napaiyak ako. "Chan, kumalma ka lang muna. Pinakuha ko na 'yung gusto mo kay manang, okay?" paglalambing niya pero naiinis padin ako sa pagmumukha niya kaya naiiyak na tinalikuran ko siya. Narinig kong bumuntong hininga siya kaya naman mas napaluha ako.
"K-kung away mo na sa'kin, iwan mo nalang a-ako..." mahinang usal ko at nagpunas ng mga traydor na luha. Gosh, I hate being pregnant!
Agad kong naramdaman ang mga braso ni Aegeus na pumalibot sa bewang ko at bigla nalang akong napahagulgol sa iyak. "Para kang bata, Chan," biro niya at inis na hinampas ko ang braso niya. "Shh. Tahan na. Sorry, princess. I love you."
Napasinghap ako. "Nakakainis ka naman kasi. Kanina pa kami nagugutom ni baby tapos imbes na i-ikaw kumuha... inutos mo pa sa iba!"
"Sorry na. Ayaw lang naman kitang iwan dito," bulong niya sa'kin at malambing na hinalik-halikan ang balikat ko. "Baka mapano ka pa."
Napangiwi ako at tinulak siya palayo sa'kin. "Aegeus, ilang beses ko bang sasabihin na ang baho mo?!"
"Mabaho?" Nanlaki ang mata niya at kinamot niya ang ulo niya na para bang nababaliw na siya at hindi na niya alam ang gagawin. Gusto kong ma-guilty, pero naiinis ako at naaasiwa sa amoy niya. Nakakasuka!
"Lumayo ka nga sa'kin!" sigaw ko.
Tumayo naman siya sa kama pero narinig kong bulong niya na, "Dapat kamukha ko 'yang batang 'yan, nako.."
"Ano sabi mo?!"
"Wala," aniya at nagtangkang umalis ng kwarto namin. "Salubungin ko lang si manang, baka kailangan niya ng tulong."
Hindi na ako sumagot pa dahil umalis na siya kaya naman napabuntong-hininga nalang ako at napahiga sa kama. Nilagay ko ang palad ko tyan kong parang sasabog na at napangiti ako.
Oo, hindi naman lahat ng nangyari sa buhay ko ay sumang-ayon sa plano ko. Pero okay lang. Siguro minsan talaga, kailangan mo lang i-trust ang instinct mo at hayaan na may mga bagay na mangyari nalang. Hindi naman kasi totoo na "the only way to control your future is if you make it" dahil hindi mo naman malalaman 'yung mga darating na problema, e. Ganun ang buhay.
Napalibot ang mata ko sa kabuuan ng kwarto namin ni Aegeus at napangiti ako nang mamataan ko ang picture namin ng barkada, noong mga college students palang kami. Wala pa si Ramona at si Brax noon; kami-kami lang talaga at sobrang dami nang nagbago sa pitong taon na nakalipas. Marami nading pagsubok ang nagdaan, pero kumpleto parin kami ng barkada.
Next I saw the picture of me and Aegeus, the night na kinasal kami sa Las Vegas. Ang bwisit na 'yun, hindi makapaghintay kaya naman kinasal na kami isang buwan makalipas nang mag-propose siya sa akin. At pagkatapos ng tatlong buwan, kinasal na kami sa simbahan sa Pilipinas. Sa Paoay Church sa Ilocos. It was one of the best moments in my life.
Napangiti ako ng maramdamang tumadyak ang baby ko at naramdaman ko na naman ang guilt na nasungitan ko na naman si Aegeus kanina. Alam kong naiintindihan naman niya ako, pero naiinis padin ako na ganito ako ka-emosyonal. At isa pa, ang tanging rason lang ata kung bakit gustong-gusto ni Aegeus na siya ang pinaglilihian ko ay dahil sinabi ni manang Leti na ang ibig sabihin ng pagiging masungit ko sakanya ay magiging kamukha niya ang magiging anak namin. Pero syempre, hindi 'yun totoo. Dapat ako ang kamukha ng baby namin, hindi siya kasi pangit siya.
Ayan ka na naman, Chanelle. Napangiwi ako pero napawi din 'yun nang bumukas ang pinto at pumasok si Aegeus na may hawak na tray ng puto at dinuguan na may kasamang asukal. Kung sa normal na araw siguro ay baka nasuka na ako, pero dahil ito ang craving ni baby, kailangang kainin ni mommy. Hay jusko. Sakit sa ulo.
BINABASA MO ANG
The Perfect Time ❤️
Novela JuvenilA QuenLia fiction. "Only time will tell" ang laging sinasabi ni Chanelle sa sarili. She believes in destiny, in that "perfect time". Naniniwala siyang lahat nangyayari sa takdang panahon, na lahat ay nasa ayon ng Diyos. And she knows that everything...