4: "Time is only an illusion"
~~~~~•~~~~~•~~~~~
"Hi, Beauty," bati sa'kin ni Aegeus pagka-upo niya sa tabi ko at agad naman akong napangiti.
"Hi, Beast."
"Ay, may endearment agad?" asar naman ni Fae na umupo sa tabi ko. Inirapan ko siya pero ngumisi lang siya at kumindat. "Hi, Cannon!"
Ngumiti si Aegeus. "Hi, Fae. Sina Damon at Jared?" tanong niya.
Habang nag-uusap sila, hinanda ko na 'yung laptop ko at pati nadin 'yung phone ko para i-record 'yung prof namin. Sa sobrang bilis kasi niyang magsalita, sisimulan ko palang na i-type 'yung unang sentence nasa ikatlong sentence na siya. Nasaan naman ang hustisya doon? Kaya 'di na ako magtataka kung bakit mababa din ang grades ni Aegeus sa class na 'to. At siguro, maski ako ay gagapang lang papalabas ng Chemistry at the end of the semester. H'wag sana.
"O, ang aga niyo dito? Cannon, bro," bungad ni Jared at umupo sila ni Damon sa harapan namin.
"Uy," bati naman ni Cannon at nakipag-fist bump sakanilang dalawa. I rolled my eyes.
"Kayo ang late," saad ko naman at nagsulat sa planner ko na may test kami next week, na-move dahil hindi pa kami talagang tapos sa lesson namin. Buti naman, dahil wala pa akong nare-review para sa Chem. Busy kasi ako sa paga-advance review para sa board exams, e.
Sumipol si Damon. "Galit ka, Chanelle? H'wag. Katabi mo naman si Prince Charming mo," asar niya at ngumisi ng nakakaloko pero nagpaikot lang ako ng mata at 'di siya pinansin.
"Brad! Hindi niya dineny!" asik naman ni Jared at tumawa ng malakas kaya maraming napatingin sa gawi namin pero agad ding umiwas ng tingin. Ganun naman talaga kapag college, wala nang pakialaman dahil hindi tulad noong high school na lahat ay pinag-uusapan. Mas mature na ang mga tao ngayon kumpara noon.
Kaswal na nagkibit-balikat ako. "Nakakasawa din kasi na mag-deny kung walang nakikinig," sambit ko at napahgikhik si Fae na nire-ready nadin ang laptop niya.
"Tigilan niyo na kasi 'yang si Chanelle," singit ni Fae. "Ayaw nga niyang mag-boyfriend, e. Masyado pang maaga," dagdag niya.
Napatingin sa'kin si Aegeus. "Let me guess: NBSB ka?" tanong niya at tinaas ang isang kilay na para bang namamangha siya.
Walang dudang tumango ako. "Oo. Ayoko pa kasi," sabi ko.
"Wala pa daw si Prince The One niya," biro naman ni Jared at nginisihan ako pero inirapan ko lang siya.
"Prince The One?" pagtataka ni Aegeus.
"Oo. Ewan din naman d'yan kung ba't ganun ang tawag pero wala naman kaming angal," saad ni Damon. "Hindi naman kasi ordinaryong babae 'yang si Chanelle, e."
Tumango si Fae at naramdaman kong nag-iinit na ang mukha ko. Nakakailang kasi na pinag-uusapan nila ako, gayong andito lang naman ako sa tabi nila mismo. "Normal na sakanya na maging kakaiba," aniya at siniko ako ng pabiro kaya napatingin ako sakanya. "Hindi ba, Miss Rueles?"
Nagpaikot lang ako ng mata at sinabing manahimik na sila nung nakita kong pumasok na 'yung prof namin.
Nasa gitna kami ng lecture nung maglagay si Aegeus ng papel sa desk ko kaya napabaling ako sakanya pero nakatingin na siya sa harapan. Bumuntong-hininga ako bago buksan 'yung papel na binigay niya.
Anti-love ka?
Kumunot ang noo ko. No, sulat ko at inabot sakanya 'yun.
Bumalik din naman agad sa'kin at may nakasulat na bago: Ah. Takot main-love?

BINABASA MO ANG
The Perfect Time ❤️
Novela JuvenilA QuenLia fiction. "Only time will tell" ang laging sinasabi ni Chanelle sa sarili. She believes in destiny, in that "perfect time". Naniniwala siyang lahat nangyayari sa takdang panahon, na lahat ay nasa ayon ng Diyos. And she knows that everything...