9: "Give her time"
~~~~~•~~~~~•~~~~~
Tahimik na nagmaneho si Xenylia ramdam kong patingin-tingin siya sa akin. Hindi ko din siya kinibo dahil naiinis padin ako sakanya. I know she meant well but it turned out as a disaster. Ayoko sanang ibunton sakanya ang galit ko pero gusto kong magalit sakanya, sa akin, kay Aegeus... someone. Gusto kong magalit para mawala na 'yun sa puso ko but I can't let go of it. Masyadong mahigpit ang hawak ko sa lahat ng empsyon ko--lalong lalo na ang pagmamahal ko para sakanya.
At the thought of him, napapunas ako ng luhang biglang pumatak at mahinang napasinghap ako. Aaminin kong gumaan ng konti ang pakiramdam ko sa naging sagutan namin kanina pero hindi ibig sabihin nun ay nakalimot na ako at tuluyan nang naglaho ang galit ko para sakanya. Kung p'wede lang, ginawa ko na. I don't want to keep hating him. Dahil kapag patuloy ko siyang kinamumuhian, ibig sabihin lang nun ay mahal ko padin siya. Because I won't be furious with him if I didn't love him to the point of destruction.
Siguro nga, I love him too much.
"Okay ka lang ba?" pam-basag ni Xenylia sa katahimikan at tango lang ang naisagot ko. Simula nung sinundo niya ako kanina sa SMI ay hindi na kami nag-usap at kahit papano'y natuwa ako because I wanted to be left alone with my thoughts. Baka 'di na siya nakapag-pigil. "Gusto mo bang mag-ice cream?"
Umiling ako at nagpunas ulit ng luha. "Gusto kong mag-gym," mahinang sambit ko. Working out had been my outlet for anger. Imbes na hayaan kong sirain ako ng sakit at galit, nagwo-work out nalang ako para naman kahit papano ay mas maging fit pa ako. May nabasa kasi ako noon e: 'if a guys hurts you, don't cry; do some squats and make him regret letting go of that fine ass'. That's what a lady would do.
"Sige. Dumaan muna tayo sa bahay para magpalit ng damit," aniya at hindi nalang ako sumagot. Natahimik kami ulit pero nabasag 'yun nung tumunog ang phone niya at narinig 'yun sa buong kotse niya dahil naka-connect 'yun via Bluetooth. She answered the phone: "Hello, who's this?"
{ Xenylia, si Cannon 'to. }
Natigilan kami pareho at nagkatinginan pero umiwas lang ako ng tingin pero nakinig padin ako sa usapan nila.
Tumikhim si Xenylia. "Cannon? May kailangan ka ba?" kaswal na tanong niya.
{ Xen, umalis na si Chanelle. Hindi ko alam kung saan nagpunta dahil 'di ko naman alam ang number niya. E-ewan ko kung ano'ng nangyari, bigla nalang siyang-- } Bumuntong-hininga siya at dinig ko sa boses niyang nahihirapan nadin siya. Mag-guilty na sana ako, e; naalala ko lang kasi ang sakit na dinulot niya sa'kin kaya 'di ko nalang pinansin. { I messed up, Xen. Paano na? She hates me to the core, fuck! }
Napatingin sa'kin saglit si Xenylia bago tumingin ulit sa daan. "Ano ba kasi nangyari?" Inirapan ko siya dahil alam kong sinasadya niya pero pinanlakihan niya lang ako ng mata at sinenyasan na manahimik na muna. Wala akong nagawa kundi makinig sa kung ano man ang sasabihin ni Aegeus.
{ I toured her around, like I promised. Dinala ko siya sa clinic ng mga bata dahil alam kong gusto niya doon and I wanted to show her the updates na ginawa namin. I want to show her na ginawa ko 'yung mga gusto niya. Bull, I just wanted to show her I never stopped thinking about her! Tapos 'di ko na alam, bigla nalang siyang sumabog! Ano ba nagawa ko? }
Napatitig lang ako sa cellphone ni Xenylia at hindi ako makapag-salita. He never stopped thinking about me? Nangga-gago ba siya? Hindi nga siya nagparamdam sa'kin ng limang taon, e! Tapos may ganun siyang nalalaman? Tanga lang maniniwala.
"You know, Cannon, matigas kasi ang ulo nun," sambit ni Xenylia kaya inirapan ko siya pero 'di niya ako pinansin at nag-drive lang. "She's stubborn as hell and she's hurt. So h'wag kang mag-expect na magiging okay ang lahat. Sinaktan mo siya noon and she can't forgive you easily. Give her time to forgive you."
BINABASA MO ANG
The Perfect Time ❤️
Roman pour AdolescentsA QuenLia fiction. "Only time will tell" ang laging sinasabi ni Chanelle sa sarili. She believes in destiny, in that "perfect time". Naniniwala siyang lahat nangyayari sa takdang panahon, na lahat ay nasa ayon ng Diyos. And she knows that everything...